Home Politics Yorme Isko Moreno, nangako na iimbestigahan ang customer na tinakbuhan ang order na parol sa isang tindero

Yorme Isko Moreno, nangako na iimbestigahan ang customer na tinakbuhan ang order na parol sa isang tindero

0

Hindi diumano palalampasin ni Manila City Mayor Isko Moreno ang ginawang panloloko ng isang negosyante sa mangagawa ng parol na si Maximino “Lakay” Simon.

Sa isang panayam, inihayag ni Yorme na hindi siya papayag na hindi na iimbestigahan ang taong dahilan kaya’t napaiyak si Lakay sa social media.

Ayon sa kanya ay aalamin kung sino ba talaga ang dahilan ng biglaang pagkansela ng mga order kay Lakay.

Napabalita na rin na nasa barangay na ang kaso sa pagitan ni Lakay at ng kanyang customer.

Matatandaan na ang nasabing negosyante ay nagpagawa ng mahigit 1,000 parol kay Lakay na nagkakahalaga ng libo libong piso ngunit ng tapos na itong gawin ay bigla na lamang itong umatras sa kanilang transaksyon.

Dahil sa nangyari ay halos mawalan na ng pag asa sa buhay si Lakay.

Ngunit matapos mag viral sa social media ay nakarating ang kaso ni Lakay kay Yorme na siyang pumakyaw ng mga parol na ginawa niya.

“Maraming maraming salamat talaga. Hindi ko alam kung saan kukuha ng pangutang wala naman akong pangpangutang ngayon,” ani Lakay habang naluluha.

Maliban kay Yorme ay sinubukan din ng aktres na si Heart Evangelista na magbigay ng tulong kay Lakay.

May ilang netizen na tamang tama sa panahon ng pasko ang istorya ni Lakay dahil nagtuturo ito na dapat h’wag mawalan ng pag asa sa buhay.

 

Facebook Comments