Home Celebrities PBB Housemate Justin Dizon, ipinagmalaki ang pagiging anak mayaman: Never namin naranasan mahirapan

PBB Housemate Justin Dizon, ipinagmalaki ang pagiging anak mayaman: Never namin naranasan mahirapan

0

Ipinamukha ng Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Justin Dizon sa kanyang mga kasama sa bahay ni kuya ang kanyang pagiging anak mayaman.

Sa isang video na kumakalat ngayon sa Twitter, makikita si Justin habang nagkukwento tungkol sa kanyang ama na hindi siya diumano pinabayaan.

Ipinagmalaki niya pa na hindi niya naranasan magutom dahil narin sa kanyang ama.

“I don’t want to hurt anybody here or something but my dad is always there… like everything I need,” ani Dizon na nag viral na rin kahapon dahil sa diumano’y ugaling ipinakita niya sa isa sa mga housemate.

“Some of you experience hunger when you were younger and all of that, I never felt that,” dagdag niya pa.

Ayon sa kanya ay kahit na umabot sa punto na bagsak ang kanilang negosyo ay sinugurado ng kanyang ama na ayos lang sila.

“Most of you experience na nahirapan kayo, but never namin naranasan ‘yun,” saad niya.

“When I was a kid I have a ‘yaya’, I live in a nice house. Everything was provided for, walang pagkukulang at all,” dagdag niya pa.

Kahapon ay inulan na ng batikos si Justin dahil sa mga sinabi nito sa isa pang housemate na si Jie-Ann Armero.

Sanay diumano kasing hindi maligo araw araw si Jie-Ann na siya namang pinuna ni Justin.

Ngunit ang hindi alam ni Justin ay nasanay si Jie-Ann na hindi maligo dahil sa sobrang mahal ng tubig sa kanyang probinsiya sa Saranggani kaya’t napipilitan silang magtipid.

Matatandaan din na nilait ni Justin noon sa social media si Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ay tinawag niya itong “walang kwenta” at “pangit”.

 

Facebook Comments