Home Politics Yorme Isko Moreno, pinakyaw ang parol ng tindero na hindi sinipot ng buyer

Yorme Isko Moreno, pinakyaw ang parol ng tindero na hindi sinipot ng buyer

0

Mismong ang alkalde na ng siyudad ng Maynila na si Isko Moreno ang tumulong sa lalake na nag viral kahapon matapos hindi mabili ang mga ginawa niyang parol na nagkakahalaga daw ng P100,000.

Sa isang Facebook post, ibinalita ni Maximino Simon ang mangandang nangyari sa kanyang buhay matapos siyang sumikat sa internet.

Dumating kasi kanina ang mga tauhan ni Mayor Isko upang bilhin ang mga parol ni Maximino.

“Maraming salamat po mayor,” ani Maximino.

Hindi pa malaman ang eksaktong bilang ng parol na binili ni Yorme, ngunit makikita sa video na punong puno ang sasakyan na ginamit ng mga bumili.

May ilang netizens din ang sinubukang bumili ng parol kay Maximino bilang tulong sa negosyante.

Matatandaan na umabot ng libo libong shares sa social media ang litrato niya habang umiiyak dahil sa lungkot at takot na tuluyan ng malugi ang kanyang negosyo na pagbebenta ng parol.

“Dina kukunin yan ng buyer sayang 100k lahat ng bayad yan paano na ako baon nanaman ako sa utang,” sabi ni Maximino noong Disyembre 16.

“Diko mapigilan umiyak,” dagdag niya pa.

Ngunit nanaig ang diwa ng pasko at nagtulungan ang mga netizens para masagip ang negosyo ni Maximino.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang pamilya Simon kung gaano na kadaming parol ang kanilang naibenta simula ng sumikat sila sa social media.

Pero isa lang ang sigurado ngayon, masaya ang pasko ng pamilya Simon dahil sa dami ng tumulong sa kanila.

 

Facebook Comments