Home Social Media “Humagulgol ako” Tatay Maximino, ikinuwento kung bakit hindi nabili ang mga parol na ipinagawa sa kanya ng isang customer

“Humagulgol ako” Tatay Maximino, ikinuwento kung bakit hindi nabili ang mga parol na ipinagawa sa kanya ng isang customer

0

Matapos mag viral sa social media ay buong ikinuwento ni Maximino Simon ang nangyari sa kanya at kung bakit hindi nabili ang mga parol na kanyang ginawa.

Matatandaan na nakuha ni Maximino ang atensyon ng libo libong netizen kahapon dahil sa kanyang pag iyak dahil sa hindi binili ng kanyang customer ang 700 pirasong parol na pinagawa nito sa kanya.

Nakuha rin ni Maximino na isang residente ng Maynila ang atensyon ni Mayor Isko Moreno na pinahanap kagad siya matapos siyang sumikat sa social media.

Sa panayam ng Manila Public Information Office ay ikinuwento niya kung gaano kahirap ang gumawa ng parol.

Ayon sa kanya ay umaabot ng isang oras ang paggawa ng isang parol.

Nilinaw din ni Maximino na may kontrata sa pagitan niya at ng buyer na bibili sana ng parol sa kanya.

Ng malaman niya na hindi na kukunin ng buyer ang parol ay labis itong nadismaya ngunit pinilit niyang magpakahinahon.

“Inom, iyak, inom, iyak, hanggang ngayon po, nanlalambot na ako, hindi pa ako kumakain,” saad ni Simon.

“Kung hindi nakuha ni Mayor Isko Moreno [yung mga parol] baka maghapong inom nanaman ako,” dagdag niya pa.

Dinala na sa barangay ang kaso sa pagitan niya at ng buyer.

Todo pasalamat naman siya dahil kumpletong binayaran ng kampo ni Moreno ang mga parol.

“Blessing sakin ito na binayaran nila lahat, kinuha nila lahat. Kasi kagabi pa pinapahanap na ako ni Mayor,” kwento niya.

“Dumating ‘yung tao niya. Nandun ako sa labas, naabutan nila ako humahagulgol ako dun kasama ko bote,” dagdag niya pa.

Sinabi niya pa na halos mawalan na siya ng pag asa sa buhay dahil sa nangyari sa kanyang negosyo.

May mensahe naman si Maximino kay Yorme.

“Mayor, maraming maraming salamat po,” ani Maximino.

“Halos wala akong maramdaman, hindi ako makapaniwala na kinuha nila ‘yung parol ko, masayang masaya ako,”

Gagamitin ni Maximino ang naibigay sa kanya ni Yorme para bayaran ang utang niya na nagkakahalaga na 85,000.

Unang beses diumano na naranasan ni Maximino na wala siyang kinita ngayong Christmas season.

Pero kahit na wala silang kinita ay masaya parin siya dahil sa pagdating ng kanyang bunso.

“Basta kumpleto kami, ayos na,” sabi niya.

 

Facebook Comments