Xian Gaza, sinabing maaring “marketing style” lang ang pag iyak ng lalake na hindi nabili ang parol na umabot sa P100,000 ang halaga

0

Hindi napigilan ng “National Scammer” ng Pilipinas na si Xian Gaza na magduda sa ginawang viral post ng isang mangagawa ng parol sa social media.

Matatandaan na nag viral sa social media si Maximino Simon matapos nitong ipakita ang kanyang pag iyak dahil sa diumano’y hindi binili ng kanyang customer ang parol na nagkakahalaga ng P100,000.

Inulan naman ng tulong ang pamilya Simon at may ilan na ring nag alok na bibili ng parol na hindi niya naibenta.

Ngunit tila duda si Xian sa totoong pakay ni Maximino.

“Marketing strategy lang talaga ni Manong yun para maubos agad yung ginawa nilang parol. chaaarooooot! Gumana lang yung scammer mind ko sorry. charot lungs! Kayo naman oh, masyadong seryozow iihh!” ani Xian.

Dagdag pa ni Xian ay walang negosyante ang papayag na hindi magbibigay ng “downpayment” ang kanyang customer lalo na kung malaki ang order nito.

“Bilang “National Scammer ng Pilipinas”, naniniwala ako na walang t*ngang negosyante ang gagawa ng 100K worth of parol na walang downpayment. So dalawang bagay lang ito mga kapatid, either t*nga si Manong or marketing style lang niya yun,”

Hamon pa ni Xian kay Maximino, imbis na umiyak diumano ito sa social media ay makipag ugnayan ito sa kanya ng makatanggap siya ng tulong.

May mga followers si Xian na pumabor sa kanya at sinabi na may punto ang internet celebrity.

Hindi pa nagbibigay ng tugon ang pamilya Simon sa post ni Xian.

Nakilala si Xian sa kanyang mga publicity stunt at sa kanyang mga ginawang “scam” habang nasa Pilipinas pa siya.

Naging viral din ang diumano’y paglusot niya sa mga otoridad para makatakas siya ng bansa.

Ngunit itinanggi ng Immigration na nakalusot si Xian sa kanila at sinabing wala naman silang nakitang masamang record kaya’t pinayagan nila itong makalabas ng Pilipinas.

Facebook Comments
Previous articleLalake, napaiyak na lamang matapos hindi kunin ng buyer ang ipinagawang mga parol na nagkakahalaga ng P100,000
Next articleYorme Isko Moreno, pinakyaw ang parol ng tindero na hindi sinipot ng buyer
Rodrigo Extramadura is a Computer Engineering graduate who found his real passion in writing and following the daily happenings in the country.