Home Celebrities Housemate Justine Dizon na tumawag sa Pangulo na “pangit”, inuulan ngayon ng batikos dahil sa ugaling ipinapakita sa PBB

Housemate Justine Dizon na tumawag sa Pangulo na “pangit”, inuulan ngayon ng batikos dahil sa ugaling ipinapakita sa PBB

0

Isang housemate ng Pinoy Big Brother ang inuulan ngayon ng batikos sa social media dahil diumano sa ugali nitong ipinakita sa isa sa kanyang mga kasamahan sa nasabing reality show.

Pinaangat ni Justine Dizon ang kilay ng mga netizens matapos kumalat ang video niya kasama ang housemate na si Jie-Ann Armero.

Sa video ay makikita ang tila biruan sa pagitan ni Justin at Jie-Ann ngunit tila uminit ang sitwasyon dahil sa salitang binitawan ng contestant mula sa Pampanga.

“Pinag-uusapan ka namin kasi di ka naliligo,” sambit ni Justin kay Jie Ann habang ginagamit ng nang una ang towel ng huli para linisin ang kanyang kamay.

Tumugon naman si Jie Ann sa sinabi ni Justin: “Wala akong pakialam, sanay na ako sa ganyan,”

“Really? Sabagay, marumi ka nga pala.” saad ni Justin

Maraming netizen ang hindi nagustuhan ang sinabi ni Justin kay Jie Ann lalo na ng mapanood ng mga netizen ang dahilan kung bakit sanay ang nasabing contestant mula Saranggani sa hindi laging pagligo.

Sa isa pang kumakalat na video, ipinaliwanag ni Jie-Ann na ang mahal na presyo ng tubig sa kanilang lugar ang dahilan kung bakit napipilitan siyang magtipid at hindi maligo.

“Yung tubig namin doon, [P12 kada container.] Yung container namin tatlo lang. [Pangsaing, panghugas at pang inom lang iyon.] Kaya minsan hindi po ako nakakaligo,” she said.

Isa sa mga netizen ang tinawag ang pansin ng gobyerno ng Sarangani upang bigyan ng atensyon ang mga kababayan nilang walang suplay ng tubig katulad ni Jie Ann.

“Also, let’s call out the govt of Sarangani to provide the basic needs of their people! No one deserves what Jie-An has experienced. Marami pang tao ang nakakaranas ngayon hindi lang sa Sarangani kundi sa iba pang parte ng bansa!” the netizen said.

Samantala ay kumalat naman ang lumang post ni Justin laban kay Pangulong Rodrigo Duterte na tinawag niyang “pangit”.

“Ang Panget ni Duterte?? Wala na ngang kwenta as a President, ang panget pa. Jusko sis pick a struiggle naman.” he said.

 

 

Facebook Comments