Home Celebrities Anthony “Ka Tunying” Taberna, pinagnakawan ng milyon milyon ng taong lubos pa naman pinagkakatiwalaan

Anthony “Ka Tunying” Taberna, pinagnakawan ng milyon milyon ng taong lubos pa naman pinagkakatiwalaan

0

Nagbigay pa ng karagdagang impormasyon ang kilalang mamamahayag na si Anthony “Ka Tunying” Taberna tungkol sa ginawang kataksilan ng isa sa kanyang mga pinagkakatiwalaang tao sa negosyo.

Sa isang Instagram post ay ikinuwento ni Ka Tunying kung paano nila nadiskubre ang ginawang “pagnanakaw” sa kanilang kumpanya.

Hindi man niya pinangalanan ang taong ito ngunit tila malapit na malapit ito kay Ka Tunying dahil naikwento nito kung paano nito sinasabi ang mga personal niyang problema sa suspek.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anthony T. Taberna (@iamtunying28)

“Nadiskubre namin na ang taong aking pinagtiwalaan, ako pala ay matagal nang pinagnanakawan! Ang pera ng kumpanya, namadyik niya at naidirecho sa sarili niyang bank account. Hindi maliit na halaga, milyong piso na mula sa paghihirap ng mga empleyado ng Ka Tunying’s,” saad ng mamahayag.

“Tama po, habang nagtitiis sa hirap ng pagtatrabaho ang mga panadero, kusinero, serbidor at serbidora, driver, janitor at iba pa, siya naman pala ay nagpapakaligaya sa perang hindi naman sa kaniya. At ang lalong masakit at karima-rimarim, noon mismong ikinuwento ko sa kaniya ang hirap ng kalooban at bulsa dahil sa aming pinagdadaanan gawa ng natuklasang karamdaman ni Zoey, wala pa ring puknat ang pagnanakaw niya sa pera ng kumpanya,” dagdag niya pa.

Nangako si Ka Tunying na kakasuhan niya ang taong sumira ng kanyang tiwala pati narin ang banko na ginagamit ng suspek para ilipat ang pera ng kumpanya ng mamamahayag sa kanyang sariling account.

Kumpiyansa parin naman ang mamahayag na hindi malulugi ang kanilang kumpanya kahit na nawalan na ito ng milyong milyong piso.

 

Facebook Comments