Home Celebrities Angel Locsin, ipinaliwanag kung bakit tuluyang nabulag ang kanyang ama kahit na nasa showbiz na siya noon

Angel Locsin, ipinaliwanag kung bakit tuluyang nabulag ang kanyang ama kahit na nasa showbiz na siya noon

0

Ipinaliwanag ng aktres na si Angel Locsin ang dahilan kung bakit nabulag parin ang kanyang ama kahit na noon ay kilalang kilala na siya sa showbusiness bilang isang talent sa GMA-7.

Ikinuwento ni Angel sa “Magandang Buhay” kung bakit bigo siyang maipagamot ang kanyang ama na si Angelo Colmenares kahit na nagkaroon na siya ng magandang career.

Matatandaan na isa sa mga pinakasikat na aktres ng GMA-7 si Angel na gumanap bilang “Alwina” sa Mulawin, at “Darna”.

Ngunit ayon sa nasabing artista ay medyo huli na noong nagkaroon siya ng magandang trabaho at tuluyan ng nabulag ang kanyang ama kahit na madami na siyang perang pampagamot dito.

“Hindi ko kasi napagamot ‘yung mga mata ni daddy. Na-late ako, na-late ako. ‘Yun ‘yung reason ko noon, bakit ako nag-stay sa showbiz. Kasi akala ko makakaipon ako, kaya lang na-late ako ng ipon. Hanggang sa hindi ko napagamot si daddy, hanggang sa too late na,” ani Angel.

Sa edad ng kanyang ama na ngayo’y 93 anyos na ay delikado na itong sumailalim sa mga operasyon na maaring magpabalik ng kanyang paningin.

Ayon sa kanya ay kahit na ang kasikatan ni Angel ay hindi na nakikita ng kanyang ama.

“Nung time na may billboards, nakikilala ng buong Pilipinas ang mukha ko pero Daddy ko hindi niya alam. Kahit ‘yung brother ko hindi niya nakikita nung lumalaki siya. Siyempre ‘yung mga ganung bagay ‘yung makita mo man lang,” saad ni Angel.

Sa parehong panayam ay ibinahagi rin ni Angel ang binili niyang beach property sa Zambales para sa kanyang ama.

Marami ang naantig noon pa man sa istorya sa pagitan ni Angel at kanyang ama na gumagawa parin ng paraan para ipakita ang kanyang suporta sa anak kahit na hindi na ito nakakakita.

 

Facebook Comments