Home Celebrities Jinkee Pacquiao, ipinasilip ang simpleng ika 19 na kaarawan ng kanyang anak na si Michael

Jinkee Pacquiao, ipinasilip ang simpleng ika 19 na kaarawan ng kanyang anak na si Michael

0

Ibinahagi ni Jinkee Pacquiao ang ilan sa mga nangyari sa pagdiriwang ng ika-19 na kaarawan ng kanyang anak na si Michael noong Disyembre 12.

Ipinakita ni Jinkee na siyang asawa ni people’s champ Senator Manny Pacquiao ang simpleng paghahanda na kanilang ginawa para ipagdiwang ang kaarawan ng kanilang anak na ngayon ay sumisikat na dahil sa kanyang pagiging rapper.

Hindi nakapag imbita ng maraming bisita ang pamilya Pacquiao dahil narin sa pagsunod nila sa health protocols.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)

Sinabi rin ni Jinkee na hindi nakadalo ang dalawang kapatid ni Michael na sina Mary at Queen dahil pinili nilang mamalagi sa kanilang tahanan sa General Santos City.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)

“Happy Birthday @pacquiao.michael. You are loved! Na miss ko ang two girls ko na nasa gensan,” saad ni Jinkee.

Maituturing na simple lang ang ginawang pagdiriwang ng kaarawan ni Michael dahil sa kilala ang mga Pacquiao sa kanilang mga magarbong party na hindi nila magawa ngayon dahil narin sa ipinagbabawal ang mass gatherings.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)

Tanging ang tennis player at sports reporter na si Dyan Castillejo lamang ang nakumpirmang nakabisita sa pamilya Pacquiao sa kaarawan ni Michael.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)

Samantala ay nagbigay din ng mensahe si Senador Manny Pacquiao para sa kanyang anak.

“Making my son a priority today. At the end of the day, family is everything. Always a proud dad here. Happy Birthday,” saad ni Pacman.

Matatandaan na ginulat ni Michael ang mga netizen matapos nitong ipakita ang kanyang talento sa pag awit.

Nominado pa nga ang anak ni pacman para sa parangal na “Breakthrough Artist of the Year” ng Wish 107.5.

Facebook Comments