Home Celebrities Hipon Girl, umiyak habang ikinukwento kay Kuya Wil ang karanasan niya kasama si Miss Manila

Hipon Girl, umiyak habang ikinukwento kay Kuya Wil ang karanasan niya kasama si Miss Manila

0

Hati ang opinyon ng mga netizens ng television host na si Herlene Budol o mas kilala bilang “Hipon Girl” tungkol sa karanasan niya kasama ang isang contestant ng Miss Universe Philippines 2020.

Naglabas ng sama ng loob si Hipon sa harap ng kanyang boss na si Willie Revillame tungkol sa inasal diumano ni Miss Manila 2020 Alexandra Abdon habang magkasama sila sa isang shoot para i-endorso ang produkto na ineendorso ng palabas nila na Tuktok to Win.

Ayon kay Hipon ay hindi niya napigilan masaktan sa sinabi sa kanya ni Alexandra.

“Isa isa naman dinescribe ko kung ano sila sakin, kung ano yun mga trato sakin, special naman ako dun. Tapos na-hurt lang ako isang beses, kasi diba ito ako eh. Parang walwal,” kwento ni Hipon.

“Sa Frontrow diba may dialogue kami nun, ‘Sa Frontrow lahat maganda’ tapos ‘Frontrow! Frontrow!’ dapat ganun yung energy diba? Tapos sabi ni Miss Manila, Ay dapat pang-Revel tayo,” dagdag niya pa.

Ayon kay Hipon ay napaisip siya matapos ng insidente na ‘yun kung nakakahiya nga ba ang kanyang inaasta.

Naiyak naman siya ng sabihin ni Willie na hindi naman nakakahiya ang kanyang ginagawa.

“Parang naano lang din ako kasi parang nakakahiya ba yun pagiging ganun ko? Eh dun ako nakilala,” ani Hipon.

Akala naman niya ang papagalitan siya ni Willie kaya bigla nalang itong naging emosyonal.

Samantala ay tinawagan ni Willie si Alexandra upang pag usapan ang nangyari sa pagitan nila ni Hipon.

Itinanggi ng Miss Manila na nilait niya si hipon at sinabing nagsasabi lamang siya noon ng totoo.

“Oh my God, sorry Hipon. Alam mo hindi kita nilait, ha, nagsasabi lang ako… nag-state lang ako ng facts, charot.” saad ng beauty contestant.

Iminungkahi naman ni Willie kay Alexandra na mag guest siya sa Tutok to Win upang makita niya ng personal si Hipon.

“Sige, pero if I were her, mag-prepare siya, magpaganda siya, ibigay na niya yung todo niya.” sabi ni Miss Manila.

Ipinakita naman ni Hipon na handang handa siyang harapin si Alexandra.

Facebook Comments