Home Politics Trillanes matagal ng dedo kung totoong nasa likod ng EJK si Pangulong Duterte – Quiboloy

Trillanes matagal ng dedo kung totoong nasa likod ng EJK si Pangulong Duterte – Quiboloy

0

Naniniwala si Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo C. Quiboloy na matagal ng wala sa mundo ang mga kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte katulad ni dating Senador Antonio Trillanes IV kung totoo man na may ginagawang state-sponsored EJK ang gobyerno.

“Kayo, klaruhin ninyo ‘yung sinasabi ninyong state-sonsored killings. Ang pinaiisip ninyo sa tao na ‘yung Pangulo natin may grupong inuutusan niyang ‘patayin ninyo ‘yang mga kalaban ko, ‘yung kalaban sa pulitika’. Mayroon bang pinatay na inutos ng ating Pangulong kalaban niya sa pulitika? Eh, kung mayroon state-sponsored killings, matagal nang patay si Trillanes. Di Ba?” ani Quiboloy na kilalang kaibigan ni Pangulong Duterte.

Hindi ito ang unang beses na binanatan ni Quiboloy si Trillanes.

Ilang buwan na ang nakakaraan ay tinawag na “nonsense” ni Quiboloy ang mga kritisismo ni Trillanes laban sa dating Mayor ng Davao City.

Isa si Trillanes sa mga kilalang kritiko ni Duterte at hanggang ngayon ay hindi parin nito tinitigilan ang Pangulo.

Umabot pa nga sa international community ang mga batikos ni Trillanes laban kay Duterte.

Inaakusahan din si Trillanes na nasa likod ng mga mapanirang pahayag ni ‘alyas Bikoy’ laban sa Pangulo at sa kanyang pamilya.

Kamakailan lamang ay binanatan ni Trillanes ang Pangulo at sinabing hindi siya karapat dapat tawagin na “Pangulo”.

“If one truly believes that duterte is the mastermind behind the EJKs, then it wouldn’t make sense to give him that honorific title of “President.” That is reserved only for those who are faithful to their mandate as enshrined in our Constitution.” saad ni Trillanes.

Facebook Comments