Home Celebrities Ethel Booba sa mga mahilig mag rally laban sa gobyerno: Hindi ba kayo nagsasawa? Kayo parin naglolokohan hanggang ngayon

Ethel Booba sa mga mahilig mag rally laban sa gobyerno: Hindi ba kayo nagsasawa? Kayo parin naglolokohan hanggang ngayon

0

Hindi na nakapagpigil ang komedyante at vlogger na si Ethel Booba na sawayin ang mga grupo na patuloy na nagsasagawa ng rally laban sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang tweet, nagbigay ng opinyon si Ethel sa isinagawang rally ng iba’t ibang grupo sa gitna ng pagdiriwang ng Human Rights Day.

Ayon sa kanya ay tila “naglolokohan” na lamang ang mga kritiko ng Pangulo dahil hindi naman epektibo ang kanilang ginagawang mga rally.

“Naku mga teh at kuys wala ba kayong kasawa sawa kahit lumabas pa litid nyo sa leeg sa kakasigaw. At mapudpud daliri nyo sa kaka #OUSTDUTERTENOW. Di ba kayo nahihirapan. Hanggang ngayon kayo kayo pa rin ang naglolokohan hirap na ngayon teh di na tulad ng dati. Old style wont work,” ani Ethel.

Sinabi pa ng komedyante na dapat ay maghintay na lamang sila sa susunod na eleksyon.

“Antayin nyo na lang tpos sa 2022 makakakita tayo ng parehas ma election. Sino ba iboboto mo si mayweather o si Pacquiao. O yung round girl sarap kaya magpapapicture sa round girl. Kilala nyo ba yung round girl?” saad ni Ethel.

Isa si Ethel sa mga inakala noon ng mga netizen na isang kontra sa kasalukuyang administrasyon, ngunit ilang buwan na ang nakakaraan ay ipinakita nito na suportado niya naman pala ang Pangulo.

Hiniling ng mga grupo na lumahok kahapon sa human rights day rally ang pag protekta at pagpapalaya sa mga aktibista.

Isinigaw din nila ang pag alis sa pwesto ni Pangulong Duterte dahil sa diumano’y mga polisiya nito.

Facebook Comments