Home Celebrities Super Tekla sikat na sikat na ngayon sa Youtube, namigay ng tulong bilang pasasalamat sa kanyang natamo

Super Tekla sikat na sikat na ngayon sa Youtube, namigay ng tulong bilang pasasalamat sa kanyang natamo

0

Todo pasalamat si Super Tekla sa kasikatan na kanyang tinatamo ngayon sa social media dalawang buwan matapos niyang kaharapin ang mga akusasyon laban sa kanya ng kanyang dating kinakasama na si Michelle Lhor Banaag.

Sa isang vlog ay ipinakita ni Tekla ang silver play button na natanggap niya mula sa Youtube.

Binasa rin niya ang mga mensahe ng kanyang fans at nangako na ipagpapatuloy niya ang pag gawa ng content.

“This is for you guys, mga katalsik. Isang daang libong talsik ng katatawanan. Ilang talsik nalang golden button na tayo,” saad ni Tekla.

Makikita rin na namigay si Tekla ng mga groceries sa iba’t ibang tao na kanyang nakasalubong sa daan.

Oktubre noong magsumbong si Michelle sa Raffy Tulfo in Action (RTIA) kung saan ay inakusahan niya si Tekla ng pagiging isang masamang partner at diumano’y hindi sila pinapakain ng maayos ng komedyante.

Ngunit imbis na makasira sa career ni Tekla ay tila nakatulong pa ito para dumami ang maabot na fans ng komedyante sa social media.

Makikita sa statistics mula sa socialblade na isang linggo bago magsumbong si Michelle Lhor sa RTIA ay mayroon lamang 9,660 na followers si Super Tekla sa Youtube.

Ngunit noong Oktubre 31 kung kailan ay papalamig na ang isyu ay umabot na ng 371,000 ang followers ni Tekla.

Kasalukuyan ay mayroon ng 824,000 subscriber si Tekla.

Sa sobrang bilis nga ng paglobo ng followers ni Super Tekla ay ngayon lang dumating ang kanyang silver play button kung saan ay kinakailangan lamang ng isang vlogger na magkaroon ng 100,000 subscriber.

176,000 na followers na lamang ang kailangan ni Tekla upang makakuha ng gold play button mula sa Youtube.

Sa ngayon ay nagkasundo na si Super Tekla at Michelle na mag tulong nalang sa pagpapalaki ng kanilang anak kahit na sila’y hindi na magkasama sa buhay.

 

Facebook Comments