Home Politics Deputy Speaker Lito Atienza nangako na bibigyan ng hustisya ang ABS-CBN sa kongreso sa susunod na taon

Deputy Speaker Lito Atienza nangako na bibigyan ng hustisya ang ABS-CBN sa kongreso sa susunod na taon

0

Nangako si Buhay party-list Representative at Deputy Speaker Lito Atienza na bibigyan niya ng hustisya ang ABS-CBN sa susunod na taon sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Lord Allan Velasco.

Sa isang panayam, sinabi ni Atienza na makakasigurado ang ABS-CBN na mayroon na silang “good backer” sa loob ng kongreso matapos siyang gawing deputy speaker ni Velasco.

Matatandaan na hindi nakalusot sa kongreso ngayong taon ang prangkisa ng kapamilya network dahil sa diumano’y mga kwestiyonableng aktibidad na ginawa nito sa mga nagdaang taon.

Pero ayon kay Atienza ay maaring magkakuha ng panibagong pag asa ang ABS-CBN kung susubukan muli nilang makakuha ng prangkisa sa ilalim ng bagong pamumuno sa kongreso.

Tanging oras lamang ang hinihingi ni Atienza sa mga taga suporta ng kapamilya network upang maisakatuparan nila ang kanilang kagustuhan.

“I am really confident, justice will prevail by next year. Bigyan lang natin ng kaunting time si Speaker Velasco,” ani Atienza.

“I am now Deputy, so you have a good backer inside. I will do everything I can to give the ABS-CBN some form of justice,” dagdag niya pa.

Ayon sa kanya ay mahalagang mabigyan ng sapat na panahon si Velasco bago nila umpisahan na pagusapan muli ang prangkisa ng ABS-CBN na matatandaang nakatikim din ng batikos noon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Ako, I am just giving the new Speaker time to settle. Hindi naman natin puwedeng biglain, major battle, kauupo lamang niya. But I am not shying away from the responsibility and for the opportunity to come – that I’m working on – para maibalik natin ‘yung floor discussion,” saad ni Atienza.

Matatandaan na isa si Atienza sa mga nakipaglaban noon para sa ABS-CBN noong pinag uusapan ang prangkisa nito.

Umabot pa nga sa punto na nakipag debate si Atienza kay Rep. Rodante Marcoleta at Boying Remulla dahil sa kanilang magkakaibang opinyon tungkol sa prangkisa ng nasabing network.

Facebook Comments