Home Social Media Amang naulila sa pamilya, piniling manirahan sa ilalim ng bato dahil sa dami ng pinagdaanan sa buhay

Amang naulila sa pamilya, piniling manirahan sa ilalim ng bato dahil sa dami ng pinagdaanan sa buhay

0

Isang lalake sa Negros Occidental ang nakuha ang atensyon ng mga netizen dahil sa kanyang kakaibang kondisyon matapos nitong manirahan sa ilalim ng isang bato.

Sa isang Facebook post, ipinakita ni Jelly Yanong Balaod ang kalagayan ng lalake na nakilala bilang si “Kuya Randy” na piniling manirahan mag isa sa ilalim ng bato.

Ayon kay Balaod ay taga Calatrava, Negros Occidental si Randy at mag isa na lamang sa buhay dahil sa ito’y wala ng pamailya.

Hindi napigilan ng netizen na maawa sa kalagayan ni Randy dahil narin sa bato lamang ang nagiging pananggalang nito kapag masama ang panahon.

Humingi naman ng tulong ang netizen sa kanyang mga kaibigan para naman mabigyan ng kaunting ayuda si Randy.

“Hayssss Masakit makita c tatay na ganyan ang higaan Taga brgy. Minapasok calatrava negros occidental po siya wla na pong Pamilya sa ilalim ng bato sya natutulog , Namumulot lang po siya ng basura para makakain  subrang awa po ni tatay kasi paano pag bagyo? malakas ang ulan, kidlat? kawawa namn po calling all my Friends, Fb friends  hihingi po ako ng tulong nyo para kay tatay any amount wll do as long as makakain nang hustu at makatulog nang mahimbing c tatay  para sa Safety lang po ni tatay sana,” saad ni Balaod sa kanyang Facebook post.

Nag viral sa social media ang istorya ni Randy at binalikan ito muli ni Balaod para makahingi pa ng iba pang impormasyon.

Nalaman nila na ayaw ng makihalubilo ni Randy sa maraming tao matapos niyang makaranas ng maraming paghihirap sa buhay.

Umabot narin sa punto na naapektuhan na ng tuluyan ang kanyang mental health.

Hindi narin daw makausap ng maayos si Randy dahil sa dami ng ikinukwento nito.

Sa huli ay nabigyan ng groceries si Randy at dadalawin narin ito ng mga social worker upang mapainom ng gamot at mapakain ng maayos.

Hindi pa malaman ang aksyon ng LGU kung paano nila maililipat ng tirahan si Randy.

Sa mga gustong magbigay ng tulong kay Randy ay makipag ugnayan lamang kay Jelly Yanong Balaod

 

Facebook Comments