Home Celebrities Rey Valera naging emosyonal dahil sa nangyari sa bansa at ABS-CBN: “Parang naramdaman ko yung paghihirap natin lalo”

Rey Valera naging emosyonal dahil sa nangyari sa bansa at ABS-CBN: “Parang naramdaman ko yung paghihirap natin lalo”

0

Hindi napigilan ni Rey Valera ang kanyang emosyon matapos niyang marinig ang kanyang isinulat na awitin matapos itong kantahin ng isa sa mga contestant ng noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime.

Ayon kay Valera, siya ay halos maiyak na matapos niyang marinig ang kantang “Malayo pa ang Umaga” dahil sa naalala niya ang paghihirap ng mga Pilipino ngayon.

“Maiiyak na ako kanina. Naawa ako sa Pilipinas. Parang naramdaman ko yung paghihirap natin lalo,” saad ni Valera.

Ikinumpara niya pa ngayon ang kalagayan ng ibang bansa sa Pilipinas at sinabi na maayos ang lagay ng ibang nasyon.

Nakadagdag pa diumano ang pagsasara ng ABS-CBN sa kalungkutan na kanyang nararamdaman.

“Pag tayo nag-a-abroad, makiikita natin sala-salabat yung mga bubong. Pag pumunta ka ng ibang bansa, ayos na ayos. Tapos maawa ka sa Pilipinas. Tapos makikita mo nangyayari sa ating lahat. Tapos itong ABS-CBN nagkaganito pa. In my own way, gusto kong suportahan sa abot ng aking makakaya,” ani Valera.

Isa si Valera sa mga taga suporta ng ABS-CBN noong pinag uusapan ang prangkisa nito.

Sinubukan namang patatagin ni Vice Ganda ang loob ng legendary OPM artist at sinabing kailangan nilang maging positibo sa mga ganitong panahon.

Maalala na nabigong makakuha ngayong taon ng prangkisa ang Kapamilya Network dahil sa patong patong na akusasyon laban sa kanila.

Sa ngayon ay ipinapalabas na lamang ang ilang programa ng ABS-CBN sa tulong ng A2Z Channel 11 na pag mamay-ari ni Jesus Is Lord (JIL) Founder Eddie Villanueva.

 

Facebook Comments