Home Social Media Mga donasyon na damit para sa mga apektado ng bagyo, itinapon na lamang diumano sa ilog at kalsada

Mga donasyon na damit para sa mga apektado ng bagyo, itinapon na lamang diumano sa ilog at kalsada

0

Isang concerned netizen ang ipinakita sa social media ang nangyari sa ilang damit na diumano’y donasyon sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Rolly at Ulysses ilang linggo na ang nakakaraan.

Sa isang Facebook post ay ibinahagi ni Sidney Batino ang kanyang sama ng loob sa mga taong diumano’y ginawang basura ang mga donasyon na ibinigay sa kanila ng mga nagmamabuting loob.

Hiling ni Batino ay sana’y maibigay sa mga mas nangangailangan ang mga damit ang mga nasabing donasyon upang hindi ito gawing basura at itapon na lamang sa ilog at kalsada.

“Para po sa lahat na magbigay ng relief sa Rizal ,Sana po maiibigay sa mas deserved na bigyan para po hindi matulad nyan itinapon lng sa kalsada at sa ilog .nakakasama lng ng loob pag nakita mo na ganyan mangyari na binigay mong tulong sa kanila,” ani Batino.

“Hanap po tayo ng mas nangangailangan ng tulong yung hindi masayang yung efforts at pagod,” dagdag niya pa.

Pumabor naman ang ilang kaibigan ng netizen sa kanyang hinaing.

“Halla sayang nmn.. Pinag hirapan yan. Tas itatapon lng sana nmn po nd nlng nla tinanggap.. Para na ipamigay sa iba. Nkka walang gana nmn yang ganyan,” ani Ronel Agoyaoy.

“Grabi nmn yan bro Sidney Batino bago pa madala yan jan hirap at pagod traffic lahat na nadanasan tapos ganan lang nangyare ano,” saad ni Lordlance Naidas.

Mayroon din namang kaibigan si Batino na sinabing baka hindi na talaga magagamit ang mga damit na ipinadala sa mga apektado ng bagyo.

“E sort muna bgo ibigay s knila kc hirap n nga klgayan nila bgyan p ng mga dmit n d nman mggmit nila bsta mbigay lng ok na e sort din para ung d n mgamit n mga dmit wag n dlhin dun like ng my mga punit at mga dmit n sinaunang tao,” sabi ni Jhoy Fernandez.

Umabot ng libo libong shares ang mga nasabing larawan kung saan makikita ang ilang damit na nakatambak na lamang sa tabi ng ilog at kalsada.

 

Facebook Comments