Home Celebrities Pamilya ni April Boy Regino, ibinunyag ang tulong na ibinibigay sa kanila ni Pangulong Digong

Pamilya ni April Boy Regino, ibinunyag ang tulong na ibinibigay sa kanila ni Pangulong Digong

0
Pamilya ni April Boy Regino, ibinunyag ang tulong na ibinibigay sa kanila ni Pangulong Digong

Ibinahagi ng pamilya ng namayapang legendary OPM artist na si April Boy Regino ang tulong na natatanggap nila noon pa kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang Facebook post, punong puno ng pasalamat ang asawa ni April Boy na si Madelyn Regino kay Pangulong Duterte at Senador Bong Go dahil hindi nila nakalimutan na tulungan ang singer hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.

Ayon sa kanya ay buwan buwan nagbibigay ng pambili ng gamot ang Pangulo kay April Boy kahit na noong Mayor pa lamang siya ng Davao City.

“Maraming Salamat sa aming Mahal na Mahal na Pangulo Duterte na Mula Noon Hanggang Sa Huling Laban Ng Buhay Na Aking Mahal na Mahal na Asawa Idol April Boy Regino ay hindi niya ito binitawan,” ani Madelyn.

“Sa hindi po nakakaalam si Tatay Digong po ang nagbibigay buwan buwan para sa maintenance ng mga gamot ni Idol, simula pa nun Mayor pa lang siya hanggang sa naging Presidente na siya,” 

“Gayundin sa aming Mahal na Senator Bong Go at sa lahat ng nakiramay sa unang gabi at sa lahat ng nakikisampatiya sa fb,messenger, celpon, you tube,mga babasahin at sa ibat ibang programa sa telebisyon at radyo na binigyan siya ng tribute Maraming Salamat po,”

Kasalukuyang nakalagak ang tinaguriang “idol” sa Marikina City.

Pinapayuhan naman ng pamilya Regino na sundin ng mga dadalaw sa lamay ni April Boy na sumunod sa health protocols. 

Isa sa mga pinakasikat na singer si April Boy noong dekada 90.

Ilan lang sa mga kanyang sikat na kanta ang “Umiiytak Ang Puso”, “Di Ko Kayang Tanggapin,” at “Paano Ang Puso Ko”.

Matatandaan na nagkaroon ng kondisyon si April Boy kung saan ay lumabo ang kanyang paningin.

Inulan naman ng tulong ang singer ng malaman ng kanyang mga fans ang kanyang kalagayan noon.

Facebook Comments