Home Celebrities Lola ni Jake Zyrus, humihingi ng tulong sa kanyang apo: “Yung ibang tao binubuhay mo, pinapakain mo?”

Lola ni Jake Zyrus, humihingi ng tulong sa kanyang apo: “Yung ibang tao binubuhay mo, pinapakain mo?”

0
Lola ni Jake Zyrus, humihingi ng tulong sa kanyang apo: “Yung ibang tao binubuhay mo, pinapakain mo?”

Humingi ng tulong ang lola ni Charice Pempengco o mas kilala na ngayon bilang si Jake Zyrus dahil diumano’y hindi na ito nakakatanggap ng suporta mula sa kanyang apo.

Sa isang video ay humingi ng tulong si Tess Pineda sa mga kilalang personalidad katulad nila Jessica Soho at Raffy Tulfo.

Ayon sa page na Mukbangers On The Road ay kailangan ng gamot ni lola Tess na ngayon ay kinukupkop na lamang ng isang nagmamagandang loob na citizen.

“Siya po ay 74 years old na at may mga iniindang karamdaman nais nya pong makapag pa check up dahil lagi na po syang nahihilo kailangan nya rin po ng mga gamot,”

“Pansamantala po syang kinukupkop ng isang concern citizen sa Sta.Rosa Laguna hinihiling din po niya na mabigyan sya ng isang makina sa pananahi upang kahit papaano ay makatulong sya sa taong kumukupkop sa kanya,”

Nagbigay din ng personal na mensahe si Tess at hindi na ito nagdalawang isip na sulitin ang pagkakataon para makahingi ng tulong kay Soho at Tulfo.

“May sakit po ako, ang BP ko po lagi tatlong araw na, 160/100. Puwede po ba akong matulungan makapagpa-check-up man lang ako? At kung maaari po sana nang makatulong ako sa taong nag-aalaga sa akin, gusto ko pong magkaroon ng makina para makapanahi kahit paunti-unti. Kaysa po ako’y lagi na lang nakaupo, nag-aalala sa pamilya, nag-iisip,” saad ni Tess.

Kanyang ibinunyag din na hindi na siya iniintindi ni Jake at ng iba niyang kamag anak.

Nagbigay din siya ng mensahe kay Charice at tinanong kung bakit naatim niya na tulungan ang ibang tao imbis ang kanyang mismong lola.

“Charice, bakit mo ako ginanito anak? Yung ibang tao binubuhay mo, pinakakain mo. Pero ang lola mo kahit piso hindi mo naaalala? Kung ako ay naging masamang ina, kung ako ay naging masamang lola, sa akin pa rin kayo nagmula. Ano bang kasalanan ko sa inyo para paghigantihan niyo ako ng ganito?” ani Tess.

Sa iba pang video ay makikita si Lola Tess na binibigyan ng ilang tao ng pinansiyal na tulong.

Matatandaan na si lola Tess ang isa sa mga kumontra sa desisyon ni Jake na yakapin ang kanyang tunay na pagkatao.

 

Facebook Comments