Home Celebrities Super Tekla at Michelle Bana-ag nagkasundo sa isang bagay matapos magkita muli

Super Tekla at Michelle Bana-ag nagkasundo sa isang bagay matapos magkita muli

0

Napabalita na nagkita na muli ang komedyante na si Super Tekla at ang kanyang dating kinakasama na si Michelle Lhor Bana-ag ilang linggo matapos silang maharap sa kontrobersiya dahil sa kanilang pagtatalo.

Ibinunyag ni Tekla sa kanyang palabas na “The Boobay and Tekla Show” na nagkasundo na sila ng kanyang dating kinakasama na hindi na sila muling magkakabalikan.

Naging emosyonal si Tekla ng kanyang ikinuwento ang kaniyang pakikipagkita muli kay Michelle matapos isugod sa ospital sa Quezon City ang kanilang anak na si Angelo.

Sa kanilang pag uusap ay pumayag si Tekla na sa mapupunta ang kustodiya ni Angelo kay Michelle habang ang komedyante naman ay magbibigay na lamang ng pantustos sa kanilang anak.

Pinatawad narin daw ni Tekla si Michelle at ngayo’y mas gusto niyang mag focus na lamang sa kanyang trabaho.

Sa kanyang Facebook post naman ay ipinakita ni Tekla ang lagay ni Angelo na nagpapagaling parin hanggang ngayon.

Todo pasalamat naman si Tekla dahil sa mabuti na ang kalagayan ng kanyang bunso.

“AMA SALAMAT SA IYONG PROTECTION KAY ANGELO be strong ANAK finally You’re safe now daddy always here for You Anakthank you so MUCH PCMC!AT sa lahat ng doctors mga nurses at medical frontliners Na nag aalaga sa ANGEL KO GOD BLESS YOU POH AT MARAMING Salamat sa mga prayers ninyo for my little boy hes okay and Safe now ILILIPAT NA POH SYA SA NBS WARD PARA MAKARECOVER SYA NG HUSTO,” ani Tekla.

Ilang linggo lang ang nakakaraan ay naging laman ng mga pahayagan si Tekla matapos siyang siraan ni Michelle sa public service program na Raffy Tulfo in Action.

Sa una ay nakatanggap ng pambabatikos si Tekla, ngunit habang lumilipas ang mga araw ay bigla na lamang kumampi ang publiko sa komedyante matapos nilang malaman ang ugali ng kanyang kinakasama.

Nakatanggap din ng kritisismo ang mga kamag anak ni Michelle na nakikitira din pala sa condo ng komedyante.

Facebook Comments