Isang opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nilinaw na walang kahit sino mang politiko ang kayang magpasunod o mag utos sa kanila.
Sa isang pahayag, sinabi ni Lieutenant Commander Erwin Tolentino na isa ring rescue diver ng PCG na hindi susunod sa kahit sino mang politiko maliban na lamang sa Pangulo ng bansa na si Rodrigo Duterte.
Ayon sa kanyang Facebook post ay tila hindi magandang pakinggan na tila may ilang politiko na ang pakiramdam ay napapasunod nila ang PCG.
“No politician can dictate our tasking. And we have only one commander-in-chief, ‘yung Presidente. Ganun lang kalinaw ang command line namin. Just letting it out there… So please don’t do disservice sa mga rescuers natin on the ground and say na mabagal ang responde ng tropa. Been there, done that,” ani Tolentino.
Ayon sa kanya ay kahit na hindi pa dumadating ang bagyo ay may mga order na silang natanggap at nakaposisyon narin sila sa mga lugar na maaring maapektuhan ng masamang panahon.
Matatandaan na binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo dahil sa tila ay umasta itong commander-in-chief sa kasagsagan ng rescue operations sa Cagayan.
“Asking if possible to deploy air assets now. Waiting for feedback. Was assured Marine Rescue Teams are on their way,” ani Robredo.
Sinabi naman ng Pangulo na hindi niya na kailangang utusan pa ang mga magre-rescue dahil matagal niya na itong nabigyan ng orders.
“Kung ganon ka wag ka magtakbo na Presidente, talagang mahina ka,” saad ng Pangulo.