Home Politics Carlos Zarate mariing itinanggi na siya ay miyembro ng NPA: “Hindi ako rebelde!”

Carlos Zarate mariing itinanggi na siya ay miyembro ng NPA: “Hindi ako rebelde!”

0
Carlos Zarate mariing itinanggi na siya ay miyembro ng NPA: “Hindi ako rebelde!”

Mariing itinanggi ni Bayan Muna representative Carlos Zarate na siya ay may koneksyon sa CPP-NPA-NDF.

Tahasan kong sinasabi sa Komiteng ito, Mr. Chair, na hindi ako miyembro o opisyal ng CPP. Hindi ako rebelde o miyembro ng NDFP (National Democratic Front of the Philippines),” ani Zarate sa hearing ng Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation tungkol sa pagre-red tag sa ilang grupo.

Ayon sa kanya ay walang kontrol ang CPP sa Bayan Muna at ayon sa kanya ay lehitimo ang adbokasiya ng kanilang grupo na magtulak ng pagbabago sa bansa.

Rep. Carlos Zarate (pinaka-kanan) kasama ang founding chairman ng CPP na si Joma Sison (pinaka-kaliwa)

“Ang Bayan Muna at iba pang miyembro ng Koalisyong Makabayan sa House of Representatives ay mga lehitimong mga partido na naniniwala sa paglahok sa parliamentaryong pakikibaka para sa pagsusulong ng mga reporma at pagbabago sa ating lipunan,” saad niya.

Ito rin ang sabi ni dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na sinabing hindi nagre-recruit ng mga kabataan ang kanilang organisasyon para sa NPA.

Ayon sa kanya ay hindi nila suportado ang marahas na pamamaraan para pabagsakin ang gobyerno.

“Hindi po ako front ng mga rebelde. Ako po ay isang aktibista,” ani Casiño.

Tinawag namang kahibangan ni Casiño ang mga akusasyon laban sa kanila.

Matatandaan na inaakusahan ang mga makakaliwang grupo ng pagiging konektado sa NPA, isang rebeldeng grupo.

 

Facebook Comments