Home Celebrities Jim Paredes kay Pangulong Duterte: Bakit inggit ka parin hanggang ngayon?

Jim Paredes kay Pangulong Duterte: Bakit inggit ka parin hanggang ngayon?

0
Jim Paredes kay Pangulong Duterte: Bakit inggit ka parin hanggang ngayon?

Tila nagtataka ang legendary OPM artist na si Jim Paredes kung bakit tila “insecure” parin daw si Pangulong Rodrigo Duterte kahit na nakakuha ito ng napakataas na trust rating sa huling survey na isinagawa ng Pulse Asia.

Sa isang post sa kanyang private Twitter page, itinanong ni Paredes kung bakit tila hindi parin mapanatag ang Pangulo kahit na 91% ang nakuha nitong rating.

“With 91% approval rating, why are you still insecure? Something doesn’t add up,” ani Paredes.

Sa isang tweet, tinanong pa ni Paredes kung bakit may mga naiingit kapag may isang tao na gumagawa lamang ng mabuti para sa bayan.

Ayon sa isang followers ni Jim ay maaring kahit daw diumano si Pangulong Duterte ay hindi naniniwala na nakakuha siya ng 91% trust rating.

“Maybe he knows that survey of his approval rating was conducted within the palace walls. I doubt he’d get 5% on my block,” ani @TSLawrence4

Matatandaan na binatikos ni Pangulong Duterte ang sinusuportahang politiko ni Paredes na si VP Leni Robredo dahil sa tila ay pinapalabas nito na walang ginagawa ang gobyerno para sagipin ang mga taong nangangailangan ng tulong.

Nangako pa nga si Pangulong Duterte na irereserba niya ang mga batikos niya kay VP Robredo kung tatakbo ito sa 2022 presidential election.

Facebook Comments