Kapamilya starlet Dionne Monsanto sa helicopter na ginagamit ng gobyerno: “Sana ginamit nalang for aerial rescue”

0
2371

Isang starlet ng ABS-CBN ang nagbigay ng kanyang mungkahi kung paano magagamit ng gobyerno ang kanilang mga air assets ng tama.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Dionne Monsanto na dapat ay ginamit na lamang ang mga helicopter ng gobyerno sa mga rescue operations imbis na gamitin ito sa mga aeriel inspections.

Matatandaan na ginagamit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang helicopter ng gobyerno sa kanyang mga aeriel inspections upang malaman ang lawak ng epekto ng masasamang panahon na tumatama sa bansa.

Ayon kay Dionne ay maaring gumamit nalang ng drone ang gobyerno upang mag aerial inspection.

“Mas okay sana kung yung pang helicopter ay ginamit for aerial rescue, ano po. Yung aerial survey pwede naman sanang i-achieve ng drone lang,” saad ni Dionne.

Nagbigay ng mungkahi si Dionne matapos ang mga balita na may ilang lugar parin sa Luzon ang hindi maabot ng mga sasakyan at tanging mga helicopter lamang ang maaring makapagdala doon ng tulong.

Binatikos naman ng blogger at abogado na si Nick Nangit ang mungkahi ni Dionne.

Ipinaliwanag ni Nangit ang importansya ng mga aerial inspection at pagbibigay din ng mabilis na transportasyon sa Presidente.

“Ang aerial inspection ay ginagawa, para makita ang hangganan ng pinsala ng bagyo. Pagkatapos, hindi ibig sabihin na uuwi o babalik Malacañan na siya, para magkape-kape lang. Makikipag pulong pa siya sa mga kinauukulang LGUs at ahensiya, para sa mga dapat gawin, ano ang uunahin sa pagbangon, magkano ang ilalaan na pondo para makabangon,” ani Nangit.

Naniniwala si Nangit na hindi mapapalitan ng drone ang aerial inspection na ginagawa gamit ang helicopter dahil sa ilang limitasyon.

“Apektado ang drone ng lakas ng hangin at lawak ng liliparin nito. Kakayanin ba ng memory ng drone at maipapaabot ba yang makukunan sa isang sentro kung saan ay magagamit ang mga imahe at videos? Sapat ba ang baterya? May koryente ba? At saka, in the first place, may mga drones ba ang pamahalaan o mga helicopters na nakaantabay lang at pwedeng gamitin ng Pangulo agad?” saad ni Nangit.

 

Facebook Comments