Angel Locsin, sinagot kung gusto niya bang mawala ang lisensya ang guro na ginawang katatawanan ang kanyang katabaan

0
2429

Sinagot ng aktres na si Angel Locsin ang mga katanungan kung pabor ba siya na matanggalan ng lisensiya sa pagtuturo ang guro na ginawang paksa ang kanyang pagiging mataba sa ginawa nitong module.

Sa kanyang Instagram page, may mga nagtanong kay Angel kung pabor ba siya na hindi na makapagturo ang guro bilang parusa sa kanyang ginawa.

Ayon kay Angel ay hindi naman dapat umabot sa punto na mawawalan ng trabaho ang guro dahil sa kanyang pagkakamali.

“Hindi naman kailangan umabot sa ganun,” ani Locsin.

Umaasa naman ang ilang guro na patatawarin ni Angel ang nasabing teacher.

“I’m also a public teacher ate Angel. Alam ko po na may mga lesson na natutunan din ang gumawa niyan. I know, meron po kayong malaking puso ate. Sorry for the wrong action na nagawa ng teacher. Sana you still forgive po,” ani ng isang guro na fan ni Angel.

Ayon sa Department of Education ay maaring makatanggap ng “sanction” ang nasabing guro na nakilala bilang Keith Richard Firme na nagtuturo sa isang pambulikong paaralan sa Occidental Mindoro.

Matatandaan na nag deactivate ng social media account si Firme matapos kumalat ang module na kanyang ginawa tungkol sa Angel.

“She, together with Coco Martin, eats fatty and sweet food in MANG INASAL fast food restaurant most of the time. In her house, she always watching television and does not have any physical activities. QUESTIONS: (5 pts each) 1. What do you think will happen to Angel if she continues her lifestyle? 2. How do lifestyle affects the health of an individual?” ayon sa module na gawa ni Firme.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang kampo ng guro.

Facebook Comments