VP Robredo, itinanggi na nakisali siya sa #NasaanAngPangulo noong kasagsagan ng bagyong Ulysses

0
796

Mariing itinanggi ni Vice President Leni Robredo ang mga akusasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagsasabi na siya diumano ang may pakana sa #NasaanAngPangulo campaign sa social media.

Matatandaan na ilang beses nag trending ang #NasaanAngPangulo sa kasagsagan ng masamang panahon na tumama sa bansa dahil marami ang naghahanap kay Duterte at nag aabang sa kanyang mga kautusan.

Binanatan ni Robredo ang nagbigay ng maling balita sa Pangulo at sinabing hindi niya kailanman hinanap ang Pangulo noong kasagsagan ng Ulysses.

Ayon sa kanya ay ginawa niya lamang ang kanyang makakaya para makatulong sa mga humihingi ng tulong sa Cagayan.

“I am also calling out whoever peddled the fake news to the President, kaya ganito siya ka pikon. I never said “Where is the President”? You can review all my tweets,” ani Robredo.

“Marami sainyo tumutulong sumagot sa mga umiiyak at humihingi ng tulong para ma rescue sa Cagayan at Isabela noong gabi ng Nov 13 hanggang sa madaling araw ng Nov 14. I did what I felt was my job,” dagdag niya pa.

“Pinapasa namin yung lahat na distress calls sa lahat na puwede namin ma contact on the ground – AFP, PNP, everyone we can get hold of. Buhay ng ating mga kababayan ang nakataya. There is no space for our ego when lives at are stake,”

Ipinakita rin ni Robredo ang kanilang ginagawa sa kanilang opisina upang patunayan na gumagawa sila ng paraan para tulungan ang mga apektado ng bagyo.

Kanina ay naging maanghang ang mga pahayag ni Duterte laban kay Robredo at sinabi nito na matagal na siyang nakapagbigay ng utos sa mga ahensiya ng gobyerno ilang araw bago pa man tumaas ang tubig sa Cagayan.

Tinawag din nitong “mahina” si Robredo dahil sa iniisip tila nito na dapat ay sa mismong araw ng pananalasa ng bagyo siya magbibigay ng kautusan sa mga ahensiya ng gobyerno.

Pinaalalahan din nito si Robredo na hindi siya susundin ng militar dahil sa wala naman siyang otoridad dito.

Facebook Comments