Pangulong Duterte binanatan si VP Robredo dahil sa naging feeling commander-in-chief diumano ito noong bagyong Ulysses

0
5560

Hindi na naitago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkadismaya kay Vice President Leni Robredo at pinagbintangan ito na nasa likod diumano ng #NasaanAngPangulo campaign sa social media.

Sa kanyang speech noong Martes ay binanatan ni Duterte si Robredo dahil sa diumano’y pinalabas nito na hindi siya nagta-trabaho sa gitna ng pananalasa ng Ulysses sa bansa.

Ikinuwento ni Duterte na nasa ASEAN Summit siya at alam mismo ni Robredo ang mga aktibidad ng Pangulo noong araw na iyon.

Sinabi niya rin na nag uumpisa ang kanyang trabaho tuwing gabi dahil sa nakasanayan na niya ito simula pa noong siya’y alkalde pa lamang ng Davao City.

Pinasinungalingan din ng Pangulo ang mga balita na tulog siya noong araw na nanalasa ang Ulysses sa Luzon.

Pinaalalahan din ni Duterte si Robredo na hindi na niya kailangangan bigyan ng utos ang mga ahensiya ng gobyerno at kasundaluhan kung ano ang gagawin nila sa rescue operations sa Cagayan.

Matatandaan na naging aktibo si Robredo sa social media noong kasagsagan ng pagtaas ng tubig sa baha at binibigyan ng updates ang mga netizens katulad ng pakikipagusap diumano nito sa mga kasundaluhan.

“Asking if possible to deploy air assets now. Waiting for feedback. Was assured Marine Rescue Teams are on their way,” ani Robredo.

Ayon sa Pangulo dalawang araw pa lamang bago tumaas ang tubig sa Cagayan ay naka deploy na ang mga ahensya ng gobyerno na magliligtas sa mga tao doon kung sakali man na lumala sa sitwasyon sa nasabing probinsiya.

“Naka deploy na ‘yan, ‘yung mga sundalo pati na ‘yung sa Davao yung security ko kinuha, half of it dinala dito,” saad ni Duterte.

Sinabi pa ng pangulo na hindi maniniwala ang militar kay Robredo dahil wala naman itong otoridad para utusan ang kasundaluhan.

“You are not in the line of authority, times of emergency ako lang at ang military, it’s between me and the military and the police,” ani Duterte.

Naging maanghang naman ang mga sumunod na pahayag ng Pangulo matapos nitong paalalahan si Robredo na hindi niya pa panahon para magpasikat sa publiko.

Ipinaliwanag ni Duterte na hindi niya maaring ibigay ang lahat ng utos sa mga ahensiya ng gobyerno sa mismong araw na tatama ang Ulysses.

“Hindi ko na kailangan mag order ka pa on the day, you are assuming that I should given all the orders on the day of the storm, that is s2p*d, that’s why you cannot be a President really.. mahina ka,” banat ng Pangulo.

“Kung ganon ka wag ka magtakbo na Presidente, talagang mahina ka, you do not know and then you lied, you are not honest,” dagdag niya pa.

Sinabi rin ng Pangulo na walang ibang nagawa ang Bise President kundi ang tumawag lang din ng tulong sa militar para palabasin diumano na siya ang nag uutos sa kanila sa mga oras na ‘yon.

Nangako rin si Pangulong Duterte na may mga sasabihin siya laban kay Robredo sa oras na tumakbo itong President sa 2022 election.

“Matagal na akong maraming gustong sabihin sayo, pero i-reserba ko nalang, when you start your campaign pag nagtakbo ka ng President, waswasan kita,” babala ng Pangulo.

Samantala ay mariing itinanggi naman ni Robredo ang mga paratang ni Duterte laban sa kanya.

Facebook Comments