Elizabeth Oropesa ipinaliwanag kung bakit mahina ang ulo ng ilang artista: “Bilis magsalita nang hindi iniisip”

0
1579

Ibinigay ng award-winning actress na si Elizabeth Oropesa ang kanyang opinyon sa pahayag ng kanyang kasamahan sa showbusiness na si Arnell Ignacio kung saan ay tinawag ng television host ang ilang artista na ‘mahina ang ulo’.

Sa isang panayam ng PEP.ph, sinabi ni Oropesa na hindi naman lahat ng artista na nakikisali sa mga isyu sa bansa ay mga mahihina ang ulo, ngunit kulang lang sa pagsasaliksik.

Ibinunyag pa nito na isa siyang taga suporta ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

“Maraming artista ang nagsasalita na hindi naman b*b*, kaya lang hindi mahilig mag-research, at gusto lamang ay parang makisali, mga kuda na hindi dapat,” ani Oropesa.

“Kasi kung ako, kahit nung panahon ko, maka-Marcos ako, e. Magra-rally ako, pero hindi ako maninira ng iba. Ipagtatanggol ko ang akin, pero di ko sisirain ang iba. Ganun yung style ko.” dagdag niya pa.

Pero ayon kay Oropesa, mayroon talagang mga artista na mahihina ang ulo dahil hindi na nila iniisip ang kanilang sinasabi.

Binigyan niya rin ng payo ang ilang artista upang hindi sila mabatikos ng mga netizens.

“Kasi ang bilis magsalita nang hindi iniisip, bitaw lang nang bitaw. Yun ang masasabi ko,” saad ng aktres.

“Ang pangaral ko sa kanila, kahit hindi niyo ako hinihingan ng opinyon tungkol diyan, sana kahit sinong artista, lalo na yung mga bata sa akin, isipin niyo muna kung ano ang sasabihin niyo. Mag-research,” dagdag niya pa.

“Kung ayaw niyo yung isang politician or isang partido, okay lang yun. Pero bago ka magbitaw ng salita against that partido or politician, make sure na tama ang sinasabi mo at mayroon kang valid proof. Yun lang.”

Matatandaan na tila ipinagtanggol ni Arnell ang gobyerno mula sa mga banat ng artista na si Angelica Panganiban.

“Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at mga pilipino…” tweet ni Panganiban.

Nakisali naman sa isyu ang dating artista na si G Toengi at pinuna nito ang kondisyon ng buhok ni Ignacio.

Facebook Comments