Angel Locsin binanatan ang DepEd dahil sa lumabas na module tungkol sa kanyang katabaan

0
52767

Binanatan ng aktres na si Angel Locsin ang Department of Education dahil tila hindi nito nadi-disiplina ng tama ang kanilang mga guro na gumagawa ng mga hindi tamang gawain.

Matatandaan na naging usap usapan ang ginawang module ng isang public school teacher kung saan ay ginawang paksa si Angel sa isa sa mga katanungan doon.

“SITUATION. Angel Locsin is an obese person. She, together with Coco Martin, eats fatty and sweet food in MANG INASAL fast food restaurant most of the time. In her house, she is always watching television and does not have any physical activities,” sabi sa module.

Humingi na ng paumanhin ang DepEd sa inasal ng kanilang guro, ngunit tila hindi pa tapos si Angel sa kanyang mga pahayag.

“I intended to ignore this issue, but when I read DepEd’s statement, aba teka lang,”

“What bothers me most is apart from teaching incorrect grammar to the students, DepEd seems unaffected that the said teacher is teaching bad conduct among the children. Anong mangyayare sa future kung ang mga kabataan ay tinuturuan ng pangungutya sa kapwa?” saad ni Angel.

“This is the more relevant issue deped, that you should be held accountable and must correct. Sa inyo naka salalay ang pag asa ng ating milyon milyong kabataan,” dagdag niya pa.

Ayon kay Angel ay kailangan din humingi ng tawad ang nasabing guro sa mga estudyante na nakabasa ng ginawa niyang module tungkol sa katabaan ng aktres.

“I am fortunate that I had teachers who value good manners and right conduct. Every child deserves to have teachers like them,” saad pa ng aktres.

Nadagdagan ang timbang ni Angel dahil sa kanyang kondisyon kung saan ay hindi na siya maaring makapag ehersisyo katulad ng dati.

Kahit na marami ang pumuri sa katapangan ni Angel na yakapin ang malaking pagbabago sa kanyang katawan ay may ilan parin na ginawang katatawanan ang kondisyon ng aktres.

 

Facebook Comments