Ice Seguerra ipinagluluksa ang pagpanaw ng kanyang amang si Decoroso

0
239

Inanunsyo ng singer na si Ice Seguerra ang pagpanaw ng kanyang ama na si Decoroso Seguerra noong Nobyember 15 matapos itong makipaglaban sa cancer.

“Our family is saddened to announce the passing of our beloved, Decoroso Seguerra. Umakyat na siya sa heaven bandang tanghali ngayong Nov. 15, 2020 para makipagvideoke kina Matt Monroe at Frank Sinatra.” ani Ice sa kanyang Instagram post.

Matatandaan na noong Oktubre 30 lamang ay ikinuwento ni Ice ang mga sinabi sa kanya ng kanyang ama na handa na raw itong sumakabilang buhay.

 

“Tinawag niya kaming lahat nung isang araw, handa na raw siya. He talked to all of us, with so much love and gratitude. Pagkatapos nun, ang sabi niya sa aming lahat, “masaya ako”. At masaya rin kami dahil wala kaming ibang hangad kundi maramdaman niya ang kaligayahan. He deserves that,” saad ng kilalang singer at dating chairperson of the National Youth Commission of the Philippines.

“At this moment, we’re making beautiful memories together. Walang patid na tawanan, kwentuhan, kantahan at siyempre minsan may iyakan. Pero magkakasama kami. At iyon ang pinakamagandang regalo sa aming lahat. We’re spending our happiest days, together,” dagdag niya pa.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra)

Nakiramay naman ang ilang mga kaibigan ni Ice sa industriya katulad nila Nikki Valdez at Kakai Bautista.

“Thank you daddy…for being the BEST dad,” ang mga huling salitang sinambit ni Ice sa kanyang ama bago ito pumanaw.

Facebook Comments