Heart Evangelista, ipinaliwanag kung bakit hindi siya humaharap sa camera kapag tumutulong sa kapwa

0
3071

Ipinaliwanag ng aktres na si Heart Evangelista kung bakit hindi niya kailangan ipangalandakan sa social media kung siya man ay tumutulong sa mga nangangailangan.

Eto’y matapos may fan na nagsabi na hindi niya pa nakikita si Heart na magbukas ng kanyang wallet.

“Sorry di ko ata nakita pero nagbukas na ba ng wallet si Heart Evangelista? La lang cure use lang,” ani ng netizen.

Sinagot naman kagad ni Evangelista ang tanong ng nasabing netizen at sinabi na hindi niya kailangan ng camera sa pagtulong sa kapwa.

“Camera doesn’t need to be “on” for you to help,” ani Heart.

Sa hindi malamang kadahilanan ay binura ng netizen ang kanyang tweet kay Heart.

Samantala may ilang followers naman ang napatanong kay Heart tungkol sa kanyang paniniwala pagdating sa pagtulong.

Ayon kay @julesmasil, kailangan daw gamitin ni Heart ang kanyang social media reach para makapang inspire ng mga netizens at mahimok din na tumulong sa mga nangangailangan.

“But the thing is, you have a huge number of followers and fans. this is not the time to “help in secret.” show people that you’re helping. encourage others to do the same,” saad ng netizen.

Pero sagot ni Heart, mas mahalaga diumano sa kanya ang magkaroon ng puntos sa langit imbis na makaipon ng maraming papuri sa social media.

“It’s ok to create awareness . It’s ok to help get the word out but my points in heaven are far more important to me than likes on ig – this is my personal choice – now let’s get back to retweeting,” ani Heart.

Matatandaan na namigay ng tablet si Heart sa mga nangangailangan ng gadget para sa kanilang online schooling noon.

Iba iba ang paraan ng mga artista upang tumulong, ang iba ay pasikreto ngunit ang iba ay tila nakakakuha ng atensyon ng media at ng mga tao, katulad na lamang ni Angel Locsin na kilala sa kanyang pagiging matulungin at madalas ay nababalita sa social media ang kanyang mga ginagawa.

 

Facebook Comments