Camarines Sur Gov. Migz Villafuerte, tinawag na “loko-loko” ang mga nagsasabing nawawala ang Pangulo kapag masama ang panahon

0
18129

May pasaring si Camarines Sur Governor Miguel Luis “Migz” Reyes Villafuerte sa mga miyembro ng oposisyon na laging hinahanap si Pangulong Rodrigo Duterte kapag may masamang panahon na nananalasa sa Pilipinas.

Sa briefing kanina sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at mga miyembro ng local government unit ng Camarines Sur ay pinasinungalingan ni Villafuerte ang mga sinasabi ng oposisyon na nawawala ang punong ehekutibo kapag may bagyo.

“Yung mga kinakalat ng oposisyon na wala daw ang Pangulo, ako na po ang magsasabi na noong Usman nandito kayo sa Camarines Sur, Nina nandito kayo, Rolly, Ulysses nandito nanaman,” ani Villafuerte.

“So talagang loko loko lang sila,” dagdag niya pa.

Matatandaan na ilang beses nag trending ang #NasaanAngPangulo sa social media dahil sa hindi masyadong nagpapakita sa publiko si Duterte kapag may masamang panahon sa bansa.

Hindi pa nagbibigay ng komento ang ilang miyembro ng oposisyon sa pahayag ni Villafuerte.

Ipinaliwanag naman ng isang mambabatas na dapat ay hindi laging iniaasa sa Pangulo ang mga bagay na may kinalaman sa masamang panahon.

“Una una sa lahat pag may masamang panahon sa lugar ninyo po HINDI PO ANG PANGULO ANG UNANG HAHANAPIN NIYO. Kaya nga po meron tayong tintawag na LOCAL GOVERNMENT UNIT nandyan ang Barangay Kapitan, DRRMC, PNP, BFP, Municipal or City Councilors, Municipal or City Mayors sila po yun una natin tawagin hindi po ang Pangulo. Sila po yun unang una na mag aaction at nandyan para sa ating bayan,” ani Sultan Kudarat Congresswoman Bai Rihan Mangudadatu Sakaluran.

 

Facebook Comments