Home Celebrities Kuya Wil ibinenta ang mamahaling sasakyan para magbigay tulong sa mga biktima ng Bagyong Ulysses

Kuya Wil ibinenta ang mamahaling sasakyan para magbigay tulong sa mga biktima ng Bagyong Ulysses

0

Nag desisyon na ibenta ni Willie Revillame ang isa sa kanyang mga sasakyan upang makalikom ng pera para sa mga naapektuhan ng Bagyong Ulysses.

Sa episode ng Wowowin noong Biyernes, inanunsyo ng sikat na television host at negosyante na isinakripisyo niya na ang isa sa kanyang mga ari-arian dahil hindi niya maatim makita ang mga kababayan niya na nahihirapan dahil sa bagyo.

Ayon sa kanya, hindi mahalaga ang kanyang kotse kung nakikita niya naman ang mga kababayan niya na nagdurusa sa panahong ito.

“Aanhin ko ho ‘yung kotse kung marami akong kababayan na naghihirap? Kahit magbenta pa [ako] ng kahit anong pag-aari, pag-aari mo na hindi mo na kailangan. I think this is the right time.”

Nagkakahalaga ng P7-M ang nakuha niyang pera mula sa pagbebenta ng sasakyan.

Sinabi rin nito na magbibigay siya ng P5-M sa Marikina at P5-M sa Montalban maliban pa sa P7-M na nakuha niya sa pagbebenta ng kanyang sasakyan.

Noong nakaraan lamang ay nagbigay na si Kuya Wil ng 5-M sa probinsiya ng Catanduanes.

 

Facebook Comments