Congresswoman Bai Sakaluran sa mga kritiko ng Pangulo: “I-educate po natin ang ating mga sarili”

0
21335

May mensahe si Sultan Kudarat Congresswoman Bai Rihan Mangudadatu Sakaluran sa mga bumabatikos sa gobyerno at kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos manalasa ang bagyong Ulysses sa bansa.

Sa isang Facebook post, pinuna ni Rep. Bai ang mga taong humahanap kay Duterte sa gitna ng nangyayari sa bansa.

Ayon sa mambabatas ay hindi dapat ang national government at ang pangulo ang hinahanap ng mga tao kundi ang mga opisyal nila sa local government unit.

Sinabi niya pa na dapat ay pahalagahan ng publiko ang mga ginagawang aksyon ng gobyerno upang mailigtas ang mga nangangailangan.

Hinimok din niya ang mga netizen na imbis na mag reklamo ay gumawa nalang sila ng ibang paraan para makatulong sa bansa.

Naniniwala si Salukuran na hindi ito ang panahon para magsisihan ang mamolitika.

Eto ang sinabi niya sa kanyang post:

“I saw various posts on facebook, tiktok, twitter #nasaanangpangulo and all other people complaining na nasaan ang gobyerno, bat wala ginagawa ang gobyerno, walang tulong na dumarating galing gobyerno.
Yun reklamo po ng reklamo please sa mga kababayan natin ieducate po natin ang ating mga sarili.

“Una una sa lahat pag may kalamidad sa lugar ninyo po HINDI PO ANG PANGULO ANG UNANG HAHANAPIN NIYO.
Kaya nga po meron tayong tintawag na LOCAL GOVERNMENT UNIT nandyan ang Barangay Kapitan, DRRMC, PNP, BFP, Municipal or City Councilors, Municipal or City Mayors sila po yun una natin tawagin hindi po ang Pangulo. Sila po yun unang una na mag aaction at nandyan para sa ating bayan.

“Pangalawa, sana iappreciate po natin ang hirap at pagod ng ating mga leaders and other government line agencies po. Philippine Government is far from being perfect but everyone is doing their job and best.

“At panghuli, instead po mag sige complain tayo at post sa facebook, twitter at tiktok ng mga reklamo sa gobyerno, how about lets pray for the safety of everyone at gumawa tayo ng paraan na lang na makatulong sa ating mga kababayan. Kung ayaw niyo po sa ating Pangulo thats okay po. That is your opinion and should be respected but please this is not the time to keep on politicizing, critizing and pinpointing. Ito po un oras na dapat tayong mga Pilipino ay nagkakaisa at nagtutulungan.

“Lets put out our Filipino Spirit. Kahit ano pang bagyo o sakuna ang dumating tayo ay Pilipino na hindi matitinag, hindi susuko at puno pa rin ng pagmamahal at kasiyahan.

“P.S. i’m not being a DDS here po. I’m just sharing my own opinion po and gusto ko lang po ay maging united po tayong lahat.

Umabot ng 5,700 shares ang nasabing mensahe ni Sakaluran sa social media.

Facebook Comments