Home Politics Anak ni VP Leni Robredo may patama: “Tulog pa rin? Alas otso na.”

Anak ni VP Leni Robredo may patama: “Tulog pa rin? Alas otso na.”

0
Anak ni VP Leni Robredo may patama: “Tulog pa rin? Alas otso na.”

Nag viral sa social media ang tila parinig ng anak ni Vice President Leni Robredo na si Tricia matapos tumaas ang tubig sa Cagayan kung saan ay na stranded ang libo libong residente sa kanilang mga tahanan.

Sa isang Tweet, tila may nagparinig si Tricia sa isang indibidwal na hindi naman niya binanggit ang pangalan.

“Tulog pa rin? Alas otso na.” ani Tricia.

Sumagot naman ang kapatid nito na si Aika at sinabing “sabado” kasi kaya siguro tulog parin ang tinutukoy nila.

Hindi man binanggit ni Tricia at Aika ang pinaparingan nila ay may ilang taga suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hindi nagustuhan ang tweet ng dalawa.

Isa na rito si MJ Quiambao Reyes na kilalang taga suporta ng Pangulo.

“Sa tindi ng problemang kinakaharap ng marami sa kababayan natin ngayon, abala kayo sa mga walang kwentang tirada sa Twitter,” ani MJ.

Matatandaan na ilang kritiko ang pumuna sa tila pagiging absent ni Pangulong Duterte sa mata ng publiko.

May ilan namang nagbiro na tila lagi nalang daw natutulog ang Pangulo.

Itinanggi naman ng Malacanang na natutulog ang Pangulo sa gitna ng nangyayari sa bansa/

“Hindi po dapat tanungin kung nasaan ang Pangulo. ‘Yan po ay kalokohan lang ng oposisyon,” ani presidential spokesperson Harry Roque.

“The President is not missing. He is always with us, he is always thinking of the welfare of our countrymen,” dagdag niya pa.

 

Facebook Comments