Home Celebrities Video kung saan makikita si Jericho Rosales at Kim Jones habang nagre-rescue ipinakita na

Video kung saan makikita si Jericho Rosales at Kim Jones habang nagre-rescue ipinakita na

0

Isang araw matapos mag viral sa social media sila Jericho Rosales at kanyang asawa na si Kim Jones ay may isang netizen pala na nakapag record sa kanilang dalawa.

Makikita sa video na ipinakita ni netizen Sheena Marie Maravilla Elijan ang aktwal na ginagawang rescue operation nila Jericho at Kim habang gamit gamit ang kanilang mga surf board.

Parehas na residente si Jericho at Kim ng Marikina, isa sa mga lugar na pinaka naapektuhan ng Bagyong Ulysses.

Hindi naman naitago ni Sheena na humanga sa kabaitan ng dalawang artista.

“Yung kabado kna kasi tumataas na lalo ang tubig sa marikina tapos biglang dumating c Jericho Rosales at Kim Jones(wife)  nawala ang kaba ko girlnapalitan ng kilig,” saad ng netizen.

Sa isang panayam kahapon ay ikinuwento ni Jericho na matagal na talagang problema sa kanilang lugar ang pagbaha.

“‘This morning paglabas namin, baha na. Usually kapag baha dito kasi, ganyan talaga. Laging ganyan ang problema. Sometimes walang boats or flotation devices so naglabas kami ni Kim ng surfboard. Okay naman [‘yung mga napuntahan namin sa bahay], safe naman sila, thank God. May mga iba lang na hindi na mapuntahan nung rescue teams kasi malakas na ‘yung agos and wala pang boats.” ani Jericho.

Inulan ng papuri ang dalawa dahil sa bibihira lang makikita ang mga artista na sumasama sa mga aktwal na rescue operations dahil lubha itong mapanganib.

Ngunit kahit na alam nila na hindi ligtas ang kanilang ginagawa ay hindi parin nagdalawang isip si Jericho at ang kanyang asawa na tulungan ang mga nangangailangan at siguraduhin na sila’y nasa mabuting kalagayan.

Ayon sa ilang ulat ay nasa 170,000 na katao ang lubhang naapektuhan ni Ulysses habang libo libo ring tahanan ang lumubog sa baha.

Samantala, patuloy parin ang ginagawang rescue ng mga otoridad sa iba’t ibang bahagi ng Luzon.

Facebook Comments