Home Celebrities Ogie Diaz, binanatan ang gobyerno sa gitna ng pananalasa ni Ulysses: “Baka pwedeng kilos-kilos naman!”

Ogie Diaz, binanatan ang gobyerno sa gitna ng pananalasa ni Ulysses: “Baka pwedeng kilos-kilos naman!”

0

Hindi na napigilan ni Ogie Diaz ang kanyang damdamin at binanatan ang gobyerno dahil sa diumano’y mabagal nitong pag aksyon sa mga apektado ng bagyong Ulysses.

Sa isang social media post na ngayon ay binura niya na, sinabi ni Diaz na dapat ay maging seryoso na ang mga na ang mga nasa gobyerno lalo na’t marami ang nangangailangan ngayon ng tulong.

Ayon sa kanya ay kung hindi na kaya ng mga namumuno ang paghawak sa mga problema ng bansa ay dapat na itong ipasa sa mayroon diumanong “kakayahanan”.

“Sawa na tayo sa kwentong barbero. Tama na yan, huhuhu. Baka pwedeng kilos-kilos naman. Kung di na kaya ng katawan at isip, ipasa na sa may kakayahan. Di na ito joke lang, kaya sana, sumeryoso na ang mga nakaupo. Susunod naman siguro ang karamihan kung tama ang advise, kung may punto at may direksyon,” ani Diaz.

“At kung totoong nagbibigay ng pag-asa at nagpapalakas ng loob ng mga kababayan nating biktima ng kalamidad. Juice ko po, sobra-sobra nang pagsubok itong dumarating sa atin, dagdagan pa ng pag-challenge sa atin ng ibang incompetent na nakaupo. Naniniwala akong kaya naman kung nasa puso ang pagtulong at pakikiramay na sana ay nararamdaman ang presensya at malasakit.”

“Kaya madalas kong marinig, “Tayo-tayo na lang talaga ito. Wag na tayong umasa pa sa ibang tao na dapat sana ay nakakapitan natin.” Sa totoo lang, nakakaawang makita ang mga kababayan nating helpless at mga NGO at mga pribadong indibidwal pa ang gumagawa ng effort para tumulong. Kasama ang ibang LGUs na masigasig ding ginagampanan ang kanilang tungkulin.”

“Nakakalungkot nang sobra yung makakita ka ng mga videos at pictures na buong bahay ay nilamon na ng baha at bubong na lang talaga ang natitira at yung iba’y sa bubong na lang nakatira. Haaaay… kelan ba matatapos ang unos na ito? Siguro nga, lalo na lamang nating paigtingin ang ating dasal. Na sa dulo ng kadilimang ito ay makikita pa rin natin ang liwanag. Kaya sa totoo lang, hindi na ako nagrereklamo kung may tulo man ang bubong ng bahay ko. At least, hindi ako.” 

Sa hindi malamang kadahilanan ay binura ni Ogie ang kanyang post.

Matatandaan na binatikos ng ilang kritiko ang administrasyong Duterte dahil diumano sa mabagal nitong pag responde sa mga nangangailangan ng tulong.

Hanggang ngayon ay may mga naiulat na stranded sa ilang parte ng Luzon.

Facebook Comments