Home Celebrities Yexel Sebastian, ipinahiram ang kanyang van upang makatulong sa pag rescue ng mga apektado ng UlyssesPH

Yexel Sebastian, ipinahiram ang kanyang van upang makatulong sa pag rescue ng mga apektado ng UlyssesPH

0

Kahit na kapapanganak pa lamang ng kanyang asawa ay hindi nagdalawang isip ang kilalang toy collector na si Yexel Sebastian upang makagawa ng paraan para tulungan ang mga apektado ng bagyong Ulysses.

Sa kanyang Facebook post, inalok ni Yexel sa kanyang mga followers ang kanyang long van upang magamit ito sa rescue operations na isinasagawa.

“Hindi ko alam kung paano makaka help ito sa mga nasalanta ng bagyo.pero baka po makahelp ito kahit maliit na bagay sa pag transfer ng mga tao kung saan man sila ilalagay,” ani Yexel.

Sinabihan niya rin ang mga netizen na may sasakyan at gustong mag volunteer na ipaalam lamang sa kanya upang mabigyan niya ito ng panggastos sa gas.

Ayon sa kanya ay gustuhin niya man na makatulong sa mga nasalanta ng personal ay hindi niya ito magagawa dahil sa inaasikaso niya ang kanyang mag ina.

“Pasensya na kayo at hindi ako makakahelp personal kasi kakalabas lang ng anak ko at wala padin po kami kuryente,” saad ni Yexel na kapatid ng pumanaw na social media celebrity na si Jam Sebastian.

Agad nakatanggap ng mga mensahe si Yexel mula sa kanyang mga followers, ngunit nilinaw niya na gusto niyang marami ang makinabang sa ipapahiram niyang van ng tatlong araw.

Dahil dito ay napili ni Yexel na ipahiram ang kanyang van sa isang medical team na nakatokang tumulong sa mga apektado ng bagyo.

Bago mag Biyernes ay nakuha na ng medical team na pinamumunuan ni Jairus Nojadera ang van na ipinahihiram ni Yexel.

Matatandaan na kamakailan lamang ay nag viral sa social media si Yexel matapos nitong gumawa ng iskultura ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Binatikos rin siya ng mga kritiko dahil sa ginawa niyang pagtatangol sa ginawa niyang proyekto.

Pero sagot niya sa mga kritiko, hindi naman siya maapektuhan kung sino man ang maging Presidente ng bansa.

“Kahit sino ang Presidente kahit anong kalamidad uunlad ang buhay ko.Dahil Hindi ako pala asa kahit kanino.Nagsusumikap ako para abutin ang pangarap ko,” saad ni Yexel.

“Kahit sino ang naka upo magiging tapat ako sa bansa at irerespeto ang bawat patakaran at mga namumuno.hindi ko uubusin ang oras ko kakareklamo dahil may sarili ako utak talino galing na ibinigay ng Diyos. Kaya kahit sino ang Presidente ang uupo uunlad ang buhay ko at tutuparin ang pangarap,” dagdag niya pa.

Facebook Comments