Home Celebrities Vice Ganda at Ion Perez, nakaligtas bagsik ng Ulysses habang nagbabakasyon sa isang mamahaling resort

Vice Ganda at Ion Perez, nakaligtas bagsik ng Ulysses habang nagbabakasyon sa isang mamahaling resort

0

Vice Ganda at Ion Perez, ibinalita na kasalukuyan silang ligtas matapos dumaan ang bagyong Ulysses sa mamahaling resort kung saan sila ngayo’y nagbabakasyon.

Sa ilang post sa social media, makikita si Vice kasama ang kanyang nobyo na si Ion habang naglilibot sa Balesin Island, isang ekslusibong resort sa Pilipinas.

Makikita sa mga post ni Vice na masama na ang panahon sa Balesin pero kahit ganon pa man ay patuloy parin sa paliligo ang komedyante kasama ang kanyang mga kaibigan.

https://twitter.com/aly_1109/status/1326393977592049665

Huwebes ng madaling araw ng mag landfall sa Quezon Province ang bagyo kung saan matatagpuan ang Balesin Island.

Makikita sa video ni Vice na kuha ng oras na ‘yun na sobrang lakas na ng hangin.

Naikwento ni Vice na matapos makunan ang video na ‘yun ay kinailangan na nilang umalis sa kanilang tinutulugang villa dahil hindi na nito kinakaya ang lakas ng hangin.

“Last night was ‘delubyo’ levels here in Balesin. Needed to evacuate our villa dahil nawasak na ung mga villas at bumagsak ang mga puno sa paligid namin. Ung pinaglipatan nman namin nawalan ng kuryente & water supply so lumikas kmi ulit. Mejo kalamado na ngayon. Salamat sa Diyos!” ani Vice.

Ipinakita ng mga kasama ni Vice kinaumagahan ang pinsalang naidulot ng bagyong Ulysses sa nasabing resort.

Sa kanyang pinaka latest na tweet ay ibinahagi naman ni Vice ang kanyang pag aalala sa mga apektado ng Ulysses.

“Sana pwedeng bumagal ang oras para di agad dumilim. Mas magiging mahirap para sa napakaraming nasalanta pati na rin sa mga nagrerescue ang operasyon pag madilim. God bless everyone,” saad ni Vice.

Ayon sa isang website, nagkakahalaga ng P3-M ang membership fee sa Balesin Island at may kasama na itong libreng 14 nights stay.

Sinabi pa ng isang blog na nagkakahalaga ng 25,000 pesos kada gabi ang mga villa dito.

 

Facebook Comments