Home Celebrities Kapamilya actress na si Sofia Andres, hinahanap si Pangulong Duterte sa gitna ng pananalasa ni Ulysses

Kapamilya actress na si Sofia Andres, hinahanap si Pangulong Duterte sa gitna ng pananalasa ni Ulysses

0

Napataas ang kilay ng ilang netizen sa Instagram story ng Kapamilya actress na si Sofia Andres matapos itong makisali sa paghahanap kay Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Matapos kumalat sa social media ang pinsalang naidulot ni Ulysses sa bansa ay nag viral nanaman sa social media ang #NasaanAngPangulo kung saan ay hinahanap ng mga netizens si Duterte.

Isa si Sofia sa mga artista na nakisali sa paghahanap kay Duterte at ginamit ang NasaanAngPangulo hashtag.

Matapos makatanggap ng batikos si Sofia ay binura niya rin ang kanyang Instagram story.

Pero may ilang netizen parin na hindi napigilan na magbigay ng komento kay Andres.

“Wag masyado mapangsisi akala mo ba madali lang maging presidente tumulong kana lang kaisa mag batikos ka dyan,” sabi ni mj_laud06.

“Ganda lang ang meron pero walang idea tungkol sa work ng LGU at hinanap pa nga ang pangulo seriously?” saad ni krstnjygmt.

“Lol, why did you delete your story sofia,” ani tinybebeee

Tila hindi naman masyadong apektado sila Sofia ng bagyo dahil nakita pa ito sa kanyang Instagram story habang pinapaypayan ang kanyang anak.

Bigla rin nag post si Andres ng pahayag mula sa Pangulo matapos itong magpakita sa publiko kaninang tanghali upang ipaalam sa mga tao na gumagalaw ang gobyerno upang tulungan ang mga apektado ni Ulysses.

Ipinaliwanag niya rin na nakapaghanda na ang gobyerno bago pa man dumating ang bagyo at hindi rin sila natutulog dahil sa pagmamatyag sa sitwasyon ng bansa.

“The goods are there, people have been mobilized and deployed, kaya pagdating ng bagyo nagtrabaho na sila. Kaya sinabi walang ginawa, wala kaming tulog dito,” ani Duterte.

Nagsagawa na rin ng aerial inspection si Pangulong Duterte upang makita ang pinsala na naidulot ni Ulysses.

Patuloy parin ang rescue operations sa iba’t ibang parte ng Luzon upang masagip ang mga taong na-stranded sa kanilang mga tahanan dahil sa sama ng panahon.

Facebook Comments