Home Celebrities Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo, magkarelasyon na daw ayon sa isang kilalang showbiz writer

Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo, magkarelasyon na daw ayon sa isang kilalang showbiz writer

0

Tila binuking ng showbiz writer at host na si Lolit Solis sila Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo sa kanyang post.

Sa kanyang Instagram, inilahad ni manay Lolit ang tila nabuong relasyon sa pagitan ni Angelica at Zanjoe sa gitna ng pandemyang nangyayari sa bansa.

Ayon sa showbiz writer ay nabuo ang relasyon sa pagitan ng dalawa sa kalagitnaan ng taping nila sa pelikulang “Walang Hanggang Paalam”.

“Wow Salve ha, meron pala na develop kay Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban dahil sa lock in. Siguro nga dahil halos magkasama kayo sa loob ng 2 linggo or more, you get to know iyon mga kasama mo sa close range. At dahil hindi kayo nagmamadali sa pag uwi dahil isang lugar kayo naka lock in, mas malalim nagiging usapan nyo, mas may interaction. At siguro kung nuon, casual lang ang batian, dahil sa 2 or more na linggong pagsasama, medyo mas closer na kayo,” ani Lolit.

“Makikita mo na kung sino mas masungit, mas sweet, mas masarap kausap, medyo makikita mo na iyon tunay na ugali. Maganda naman tignan together sila Zanjoe at Angelica, at kung swak ugali nila, iyon na, puwede ng magtagal ang kanilang relasyon. About time na nga siguro magkaruon ng lovelife si Angelica para hindi kung anuanong issues ang sinasalihan, at mukhang kalmado naman BF si Zanjoe kung sakali para maging good influence sa kanya. New romance, give it a good try, sana yumabong at lumago, para magtagal.”

 

 

View this post on Instagram

 

Wow Salve ha, meron pala na develop kay Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban dahil sa lock in. Siguro nga dahil halos magkasama kayo sa loob ng 2 linggo or more, you get to know iyon mga kasama mo sa close range. At dahil hindi kayo nagmamadali sa pag uwi dahil isang lugar kayo naka lock in, mas malalim nagiging usapan nyo, mas may interaction. At siguro kung nuon, casual lang ang batian, dahil sa 2 or more na linggong pagsasama, medyo mas closer na kayo. Makikita mo na kung sino mas masungit, mas sweet, mas masarap kausap, medyo makikita mo na iyon tunay na ugali. Maganda naman tignan together sila Zanjoe at Angelica, at kung swak ugali nila, iyon na, puwede ng magtagal ang kanilang relasyon. About time na nga siguro magkaruon ng lovelife si Angelica para hindi kung anuanong issues ang sinasalihan, at mukhang kalmado naman BF si Zanjoe kung sakali para maging good influence sa kanya. New romance, give it a good try, sana yumabong at lumago, para magtagal. #classiclolita #73naako #takeitperminutemeganun

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Matatandaan na nakuha ni Zanjoe at Angelica ang atensyon ng mga netizens noon matapos nilang magbanta sa mga kritiko ng ABS-CBN.

Hindi pa nagbibigay ng komento si Angelica at Zanjoe kung totoo nga ba ang mga impormasyon na isinulat ni manay Lolit sa kanyang Instagram.

Facebook Comments