Home Politics Baka madaya! SP Tito Sotto, hindi pabor sa mail-in voting na itinutulak ni COMELEC official Rowena Guanzon

Baka madaya! SP Tito Sotto, hindi pabor sa mail-in voting na itinutulak ni COMELEC official Rowena Guanzon

0

Hindi pabor si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa suhestiyon ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon na magkaroon ng mail-in voting sa Pilipinas katulad ng ginawa sa Amerika.

Matatandaan na suporatado ni Guanzon ang mail-in voting matapos itong maging matagumpay sa Amerika dahil sa dumami ang mga botanteng nakilahok doon sa eleksyon.

“Turn out of votes will be high if we have mail voting, I agree with the Bill of Cong
@TeacherStellaQ but the Philippine Postal Service @philpost6 must be efficient and impartial,” ani Guanzon.

“Look at US and Korea’s Elections. their mail voting works. More PWDs elderly, pregnant women can vote if by mail. @COMELEC has official comment favoring provisions of House Bill of @TeacherStellaQ,” dagdag niya pa.

Pero hindi naniniwala si Sotto na magiging matagumpay ang mail-in voting sa Pilipinas lalo na’t maari lamang itong pagmulan ng mga panibagong paraan para makapandaya ang ilan sa eleksyon.

“I’m not in favor. It’s the easiest system of voting to cheat. SInong tatanggap? Nationwide? Saan ipapadala, sa post office? Kailan bibilangin? SInong magbibilang? Paano kung may mag-leak ng results wether true or fake? Any of those procedures can be cheated!” sabi ni  Sotto.

Kahit na si Senate Minority Franklin Drilon ay naniniwala na hindi pa handa ang Pilipinas na magkaroon ng mail-in voting system.

“I am not so keen nor am I convinced that our system can adapt to a mail-in voting system. We do not have the infrastructure needed to assure our people that the voting by mail will reflect the true intent of our people,” saad ni Drilon.

“There are even complaints about rampant vote buying and intimidation in a system where only personal voting is allowed,” dagdag niya pa.

 

Facebook Comments