Home Celebrities Badjao girl Rita Gaviola, umangat na sa buhay dahil narin sa tulong ng kanyang mga tagahanga

Badjao girl Rita Gaviola, umangat na sa buhay dahil narin sa tulong ng kanyang mga tagahanga

0

Rita Aviola o mas kilala bilang Badjao Girl, malaki na ang ipinagbago, apat na taon simula ng madiskubre siya ng isang netizen habang namamalimos sa isang piyesta.

Matatandaan na noong 2016 ay nag viral si Rita matapos kumalat ang kanyang mga larawan sa social media habang namamalimos ito sa kalagitnaan ng Pahiyas Festival sa probinsiya ng Quezon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Gaviola (@itsritagaviola) on

13 anyos pa lamang si Rita noong siya ay madiskubre dahil sa natural nitong ganda na tila pang ‘model’ daw.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Gaviola (@itsritagaviola) on

Sa ilang litratong kanyang ipino-post sa Instagram ay makikita na ang laki ng inangat sa buhay ng nasabing internet celebrity.

 

Nakakuha rin ito ng mga endorsement na nakakapagbigay sa kanya ng source of income.

 

View this post on Instagram

 

Thank you! @onpoint.stores @vanicadeocampo @vanessahebreo Visit their Fb page: ON POINT CONCEPT STORE

A post shared by Rita Gaviola (@itsritagaviola) on

Sa isang post noong 2018 ay binalikan niya rin ang larawan na naging dahilan kung bakit siya nakilala sa social media.

Pinasalamatan niya rin ang nakadiskubre sa kanya na si Topher Quinto Burgos at ang kanyang mommy Grace Kreutzer na nagbibigay sa kanya ng pinansiyal na tulong upang mapagawa ang kanilang bahay.

Photo courtesy: TopherGrapher

“Naalala ko pa noong araw na makuhanan ako ng larawan na ito, di ko mawari aking nadarama may takot saking isipan, at konting sayang nararamdaman dahil sa oras na yun di ko alam ang mga posibleng mangyari sakin, ngunit dumating na ang mga diko inaasahang pangyayari yoon po ngayon ang aking pinapasalamat unang una po sa ating puong may kapal at pangalawa kay kuya Topher na kung di dahil saknya di mangyayari ang lahat lahat ng ito,” ani Gaviola.

Matatandaan na sumali rin si Rita sa Pinoy Big Brother (PBB) teen edition kung saan ay hindi ito nakatanggap ng magandang trato sa isa sa mga contestant.

Sa ngayon ay nag aaral na si Rita at hindi na kailangang mamalimos sa kalsada dahil sa biyaya na dumating sa kanyang buhay.

 

Facebook Comments