Home Celebrities Willie Revillame, nag piloto mismo ng kanyang helicopter para pumunta sa Catanduanes at magbigay ng tulong

Willie Revillame, nag piloto mismo ng kanyang helicopter para pumunta sa Catanduanes at magbigay ng tulong

0

Mismong si Willie Revillame ang naging piloto ng helicopter na kanilang ginamit para makapunta sa Catanduanes, ang isa sa mga probinsiya na pinaka apektado ng Bagyong Rolly.

Sa report ng 24 Oras, kinumpirma nila na mismong si Revillame na isang kilalang TV host, negosyante at philantropist ang gumamit ng helicopter niya papuntang Catanduanes.

Ginawa ni Revillame ang pagbisita sa nasabing probinsiya kasunod ng paghingi ng isang residente doon ng tulong dahil sa hindi nila alam kung paano muli makakapag umpisa dahil sinira ng bagyo ang kanilang hanapbuhay at tirahan.

Nakilala ang residente na si Elizabeth Espanol.

Sinalubong naman ng daan daang residente ng Gigmoto, Catanduanes si Revillame.

Ayon sa alkalde ng Gigmoto na si Vicente Tayam Jr. ay nagbigay si Revillame ng 5-M para sa Catanduanes at ang P2-M ay para sa kanilang munisipalidad.

Maliban sa pera ay nagdala rin ng mga relief goods at jacket si Revillame para sa mga tao doon.

Personal din siyang nakipagkita kay Espanol na siyang humingi ng tulong sa kanya sa telebisyon.

Hirap naman ng mga otoridad na kontrolin ang mga tao dahil lahat sila ay gustong masilayan at malapitan si Revillame.

Upang mapanatiling kontrolado ang mga tao ay dinala si Revillame sa munisipyo kung saan ay doon niya kinausap ang mga residente.

“Hindi ko inaasahan na ganito ang pag salubong niyo sa akin, si nanay (Elizabeth) napanood ko sa 24 oras sabi ko ‘hindi naman pwedeng matutulog ako na may nakikiusap na tulungan kayo,'” ani Revillame.

Binigyan ni Revillame si Espanol ng P100,000 dahil siya ang dahilan kung bakit siya pumunta sa Catanduanes.

Ang pagbisita ni Revillame sa Gigmoto ay nagbigay pag asa sa mga residente doon na matagal ng inaasam na makita ang TV host na kilala sa pagbibigay ng tulong sa mahihirap.

 

 

Facebook Comments