Home Politics Pangulong Duterte, sinubukan pakainin ng pera ang mga opisyal ng immigration na kasama diumano sa ‘pastillas scheme’

Pangulong Duterte, sinubukan pakainin ng pera ang mga opisyal ng immigration na kasama diumano sa ‘pastillas scheme’

0

Hindi diumano maitago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang galit sa mga suspendidong opisyal ng immigration ng makaharap niya ito nitong Lunes.

Sa isang pahayag, ikinuwento ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra kung paano gustong parusahan ng Pangulo ang mga nasabing opisyal na pinagbibintangang sangkot sa ‘pastillas scheme’.

Ang pastillas scheme ay naging kontrobersiyal dahil diumano’y hinahayaan lang ng mga nasabing suspendidong opisyal ng Bureau of Immigration ang ilang Chinese nationals na makapasok sa Pilipinas kapalit ng suhol.

Itinatago ng mga nanunuhol ang kanilang iniaabot na pera sa loob ng isang papel na inirolyo na parang pastillas.

Tila sinubukan itong gawin ni Duterte sa meeting dahil ayon kay Guevarra, nag abot ang Pangulo ng mga pastillas na may lamang pera sa mga nasabing opisyal.

Iniutos diumano ng Pangulo na kainin ng mga suspendidong opisyal ang pastillas na may lamang pera, ngunit hindi niya ito pinilit dahil nahiya rin ito kay Guevarra na nandoon din sa nasabing meeting.

Pinaalalahan na lamang ni Duterte ang mga opisyal na kailangan nilang harapin ang lahat ng isasampang kaso sa kanila.

“During the short meeting, he distributed pastillas to the BI personnel, money had been rolled inside each pastillas, according to the President. He wanted them to eat the pastillas, but did not insist ‘out of deference to the Secretary of Justice who was also present,” ani Guevarra.

“In the end, he stated that the cases had been filed and that they simply had to face them,” dagdag niya pa.

Lahat daw ng mga opisyal na kasama sa meeting ay hindi nakapagsalita dahil sa takot sa Pangulo.

Kilala si Pangulong Duterte sa pagiging isang mahigpit na opisyal ng gobyerno.

Matatandaan na nakunan pa si Duterte noong alkalde pa siya ng Davao habang pinapakain nito ng pekeng titulo ng lupa ang isang manloloko.

 

Facebook Comments