Home Social Media Driver ng sasakyan na sangkot sa naganap na shootout sa Cavite City, nasa kamay na ng mga otoridad

Driver ng sasakyan na sangkot sa naganap na shootout sa Cavite City, nasa kamay na ng mga otoridad

0

Nasa kamay na ng mga otoridad ang isa sa mga suspek sa naganap na shootout sa Cavite City kung saan ay namatay ang isang miyembro ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG).

Nakilala ang suspek na si Reymund De Leon Zuñiga na diumano’y nagdesisyon na sumuko sa mga otoridad.

Iniharap si Zuñiga kay Police Lieutenant Colonel Franco Allex Reglos, hepe ng Cavite City police noong Linggo.

Mahaharap sa kaso si Zuñiga dahil naging ‘accessory’ siya sa krimen.

“Presently nasa kustodiya siya ng Highway Patrol Group and today he will be facing criminal cases na ifafile natin for his part during that incident,” ani PNP-HPG chief Police Brigadier General Alexander Tagum.

Matatandaan na si Zuñiga ay nakaligtas sa shootout kung saan ang kanyang amo na si Methusael Brown Cebrian na target ng mga pulis ay nasawi matapos itong manlaban sa mga otoridad.

Sinita si Zuñiga at Cebrian ng mga otoridad dahil sa walang plaka at conduction sticker ang kanilang sinasakyang SUV sa Cavite City.

Sa kabila ng pakikiusap ng mga otoridad kay Cebrian ay bigla na lamang itong nagpaputok ng kanyang armas kaya’t wala ng nagawa ng mga miyembro ng PNP-HPG kundi depensahan ang kanilang sarili.

Nasawi sa shootout si Cebrian, pati ang isang miyembro ng PNP-HPG na si HPG police chief Master Sergeant Julius Arcalas.

“Nagmadali silang nagtago o kumubli doon sa likod ng kanilang kotse na kanilang patrol tsaka sila binugahan. Accordingly, doon nakatayo o doon nagtatago ‘yung ating namatay na miyembro ng Highway Patrol Team,” saad ni Cavite Police Provincial Office director Police Colonel Marlon Santos

“Nakaganti ‘yung ating kapulisan kasi binaril sila eh, so prompting them to return fire na which resulted nga to the death of the suspect,” dagdag niya pa.

Ipinagluluksa ng PNP at ng social media ang pagkasawi ni Arcalas na ginagawa lamang ang kanyang trabaho noong siya ay masawi.

 

 

Facebook Comments