Home Social Media Magkakapatid na iniwan ng ina para sumama sa kabit, ipinakita ang kanilang pagsasalo salo sa asin at toyo na kanilang ulam

Magkakapatid na iniwan ng ina para sumama sa kabit, ipinakita ang kanilang pagsasalo salo sa asin at toyo na kanilang ulam

0

Naantig ang mga netizens matapos ipakita ni netizen Jopay T De Guia ang mga magkakapatid sa Camarines Norte na tila nagtsa-tiyaga na lamang sa kanilang ulam.

Sa isang Facebook post, ipinakita ni De Guia ang sitwasyon ng isang magkakapatid na pilit ipinagpapatuloy ang kanilang buhay kahit na wala na ang kanilang mga magulang.

Makikita sa mga litrato na tanging asin at toyo na lamang ang kinakain ng magkakapatid at hindi ito sapat upang maging malusog ang kanilang pangangatawan.

Tanging ang panganay na kapatid na lamang ang nagta-trabaho kahit na hindi pa angkop sa kanyang edad na maghanap buhay bilang isang mangingisda.

“Eto po ung mga bata n Wala ng mga magulang salon salong kumakain ang ulam ay nyog at soy sauce lang minsan asin kong minsan nmn wla po tlgng makain nag titiis nlng ng gutom.. bukod tanging nag hahanp buhay lang sknla ay nkktndang kptd nila sa murang edad sumasabak n sa pag lalaot s dagat,” ani De Guia.

Ayon kay De Guia ay pumanaw ang ama ng magkakapatid noon lamang Agosto habang ang kanilang ina naman ay iniwanan na sila at sumama na sa ibang lalake.

Umaasa si De Guia na sa kanyang ipinakita ay makakalikom sila ng tulong para sa magkakapatid.

Marami namang netizen ang gustong maparusahan ang ina ng mga magkakapatid dahil sa ginawa nitong pag abandona sa kanyang mga anak.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung anong tulong ang maari nilang ibigay sa magkakapatid.

Maaring makipag ugnayan kay Jopay De Guia sa mga gustong magpaabot ng tulong.

 

Facebook Comments