Home Celebrities Lolit Solis, sinabing ‘off’ ang pag utos ni Agot Isidro kay Mark Ruffalo kung saan dapat nito ipadala ang kanilang donasyon

Lolit Solis, sinabing ‘off’ ang pag utos ni Agot Isidro kay Mark Ruffalo kung saan dapat nito ipadala ang kanilang donasyon

0

Tila hindi nagustuhan ng showbiz writer at host na si Lolit Solis ang tila pag utos ni Agot Isidro sa the Avengers Star na si Mark Ruffalo kung saan dapat nito ipadala ang kanilang mga donasyon.

Matatandaan na hinimok ni Agot si Mark sa kasagsagan ng bagyong Rolly na kung siya ay magbibigay ng donasyon ay ipasa na lamang ito sa opisina ni Bise Presidente Leni Robredo.

“Please send donations to the Office of Vice President @lenirobredo Thank you!” ani Isidro.

Tumaas naman ang kilay ng mga kritiko ni Agot na kilalang bumabatikos kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon naman sa Instagram post ni Lolit ay parang “off” sa kanya ang ginawang hakbang ni Agot.

“Parang off para sa akin iyon sinabi ni Agot na kung magpapadala ng tulong si Mark Ruffalo dapat sa office ni VP Leni Robledo ipadala. Uutusan mo iyon magbibigay kung kanino dapat ibigay ang tulong niya?” saad ni Lolit.

“Iyon bang parang huwag ka magtiwala sa Presidente namin, kay Vice dapat. Walang problema dahil pareho naman leader natin sila Papa Digong at Vice Leni, pero hindi ba parang off naman na pati sa mga foreigners ipinapakita natin na watak watak ang bansa natin,” dagdag niya pa.

 

 

View this post on Instagram

 

Nagkaka gulo na naman sa showbiz dahil sa palitan ng mga opinyon Salve. Iyon mga opinyon nila Agot Isidro at Angelika Panganiban, at iyon naman sa panig ni Arnell Ignacio. Nakisali pa ang isang starlet na naka base sa US si G’Toengi. Iyon mga opinyon lahat welcome dahil karapatan iyan ng bawat mamamayan. Respeto sa bawat isa na pakinggan kung ano ang panig ng bawat kampo. Pero isang bagay na dapat lagi natin huwag kalimutan iyon dapat bigyan natin ng sapat na panahon kumilos ang mga leaders natin. Parang off para sa akin iyon sinabi ni Agot na kung magpapadala ng tulong si Mark Ruffalo dapat sa office ni VP Leni Robledo ipadala. Uutusan mo iyon magbibigay kung kanino dapat ibigay ang tulong niya ? Iyon bang parang huwag ka magtiwala sa Presidente namin, kay Vice dapat. Walang problema dahil pareho naman leader natin sila Papa Digong at Vice Leni, pero hindi ba parang off naman na pati sa mga foreigners ipinapakita natin na watak watak ang bansa natin. Arnell naman ay sinabi lang ang feeling niya na dapat bago tayo mag komento, tignan at isipin mabuti. Gaya nga sa case ni Angelika na siguro nagulat din ng makita na nakasakay sa helikopter si Papa Digong na akala ng lahat ay hindi lumabas during the storm. Si G’Toengi nasa US na , duon na niya pinili mag stay, so makialam siya sa problema kung nandito siya at personal na nakikita, hindi iyon long distance observation, iyon bali balita lang. saka dapat, magka isa na tayong lahat, wala na iyang kulay kulay, dilaw, pula, berde o blue, lahat tayo Pilipino. Lahat tayo kapit kamay. We stand as one, para lalong matibay. #classiclolita #73naako #takeitperminutemeganun

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Ipinagtanggol din ni Lolit si Arnell Ignacio sa mga banat ni G Tongi sa kanya.

Tinawag pa ngang ‘starlet’ ni Lolit ang dating artista ngayon na naninirahan na sa Amerika.

“Si G’Toengi nasa US na , duon na niya pinili mag stay, so makialam siya sa problema kung nandito siya at personal na nakikita, hindi iyon long distance observation, iyon bali balita lang. saka dapat, magka isa na tayong lahat, wala na iyang kulay kulay, dilaw, pula, berde o blue, lahat tayo Pilipino,” ani Lolit.

Facebook Comments