Home Celebrities Ashley Bana-ag, napipikon na nga ba sa mga nangagaya sa kanyang kapatid na si Michelle Bana-ag

Ashley Bana-ag, napipikon na nga ba sa mga nangagaya sa kanyang kapatid na si Michelle Bana-ag

0

Ilang linggo matapos ang isyu na kinasangkutan ni Super Tekla at  si Michelle Lhor Bana-ag ay tila hindi parin nawawala ang kasikatan ng kapatid ng dating kinakasama ng komedyante na si Ashley Bana-ag o mas kilala bilang Ashley Makyut.

Kumakalat diumano sa social media na hindi nagugustuhan ni Ashley ang mga ‘parody’ na ginagawa ng ilang netizen tungkol sa kanyang kapatid na naging kontrobersiyal dahil sa kanyang mga sumbong laban kay Tekla.

Sa Facebook page na nakapangalan kay Ashley ay ibinahagi nito ang isang Tiktok compilation mula kay @julydaoberes na ayon sa mga netizen ay kahawig ni Michelle.

“Magpapakabait na sana ako, pero nakita ko to,” saad ni nasabing Facebook page.

Sa video ay makikita na tila ginagaya ng nasabing ‘tiktoker’ ang mga linya ni Michelle at Tekla.

Kahit na matagal ng tapos ang isyu sa pagitan ni Tekla at Michelle ay nakakakuha parin ng magandang engagement sa social media ang nasabing Facebook page.

Ngunit hindi naman malaman kung si Ashley nga ba talaga ang nag mamay ari nito.


Matatandaan na sumikat si Ashley matapos nitong sabihin na hindi siya pinapakain ng maayos ni Tekla, ngunit hindi ito basta basta pinaniwalaan ng mga netizen dahil sa kanyang pangangatawan.

Kahit si Raffy Tulfo na namagitan kay Tekla at Michelle ay tumanggi narin noon na kausapin si Ashley at tinawag pa niya itong ‘mataba’.

Facebook Comments