Home Celebrities Mister Fu, iyak daw ng iyak sa sama ng loob dahil sa sinabi diumano sa kanya ni Kris Aquino

Mister Fu, iyak daw ng iyak sa sama ng loob dahil sa sinabi diumano sa kanya ni Kris Aquino

0

Hindi napigilan ni Mister Fu ang kanyang sama ng loob matapos malaman ang diumano’y mga komento sa kanya ng Queen of all Media na si Kris Aquino.

Sa isang radio program, inilahad ng kilalang showbiz writer na si Cristy Fermin na ang mga komento ni Kris kay Mister Fu ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang proyekto nila.

Ayon sa kanya ay sinabihan sila ni Kris na sila lamang ni Lolit Solis ang gusto niyang makasama sa proyekto at hindi si Mister Fu dahil hindi naman daw niya ito kilala at hindi daw nila ito ‘ka-level’.

“Ang sabi ni Kris Aquino, kami lang daw ni Manay Lolit ang gusto niyang makasama. Hindi niya raw kilala si Mr. Fu at hindi namin ka-level si Mr. Fu,” ani Cristy.

Hindi naitago ni Cristy ang kanyang pagkadismaya kay Kris lalo na noong nakita niya si Mister Fu na umiiyak sa comfort room dahil sa mga pinagsasabi sa kanya.

“Nagpunta si Mr. Fu sa CR (comfort room) ng Obra ni Nanay. Ako naman siyempre gusto kong makatiyak kung ano ba talaga ang nagaganap, kunwari namimili ako ng mga painting na iuuwi ko dito sa bahay pero tiningnan ko siya, nakita ko siya nakaganu’n (nakataas ang noo para pigilan ang luha), sabi ko, ‘anong ginawa mo?’ Sabi niya, ‘naghilamos lang ako ‘Nay.’” kwento ng show writer.

“Hindi naghihilamos si Mr. Fu dahil naka-make up na siya pagdating (Gallery) ang ginagawa na lang niya, nagre-retouch, so nagsumbong ang puso niya sa mga mata, umiyak ‘yung tao. Hindi na ako mapakali mula noon, sabi ko, heto na naman si Kris minsan na niyang ginawa kay Wendell Alvarez, heto na naman ang pagiging power tripper niya,” dagdag niya pa.

Nagmatigas si Cristy na dahil sa mga sinabi ni Kris kay Mister Fu ay hinding hindi na sila papayag na makasama ang television host sa kahit anong proyekto.

“Sabi ng ani Manay Lolit, kahit bigyan mo kami ng tig-isa ng Puregold ay hindi namin gagawin ang proyekto kung ikaw ang kasama. Ako mismo, kahit ano pa ang gawin mo, kahit na ano pa ang gawin ni Chuck Gomez na panliligaw sa akin, kay Manay at kay Mr. Fu, hindi bale na lang. Magdidildil ako ng asin, Kris Aquino, ‘wag ka lang makasama,” saad niya.

Sinabi ni Cristy na sobrang naapektuhan si Mister Fu dahil sa mga komento ni Kris sa kanya.

“Bakit mo sinaktan ‘yung kaibigan namin samantalang hindi mo naman siya kilala kung ano ang buhay niya! Kris kung alam mo ang buhay ni Mr. Fu baka lumuluhod ka ngayon na lumapit sa kanya sa pagmamakaawa para patawarin ka!” saad pa ni Cristy.

Hindi pa nagbibigay ng komento si Kris sa mga banat sa kanya ni Cristy.

Si Mister Fu ay kilalang DJ sa radyo at lumabas din ito bilang host ng Eat Bulaga.

Nakilala lalo siya sa kanyang linya na “may gano’n o meganon”.

Facebook Comments